28.07.2020 Views

Combined-Living_Well_In_My_Community_Tagalog_Web

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Paano gagamitin ang Mabuting

Pamumuhay sa Aking Komunidad

Maari mong i-download ang patnubay na ito at ibahagi ito sa

iba. Ang Mabuting Pamumuhay sa Aking Komunidad ay nilikha

upang tulungan ang mga taong may mga kapansanan at ang

service providers na mas maunawaan ang mga karapatan at

mga tungkulin upang mamuhay nang mabuti sa komunidad.

Ipinapaliwanag ng Bahagi 1 kung ano ang Patakaran sa Home

and Community-Based Services at kung paano ito makakatulong

sa mga taong may mga kapansanan upang manirahan sila sa

komunidad tulad ng ibang mga taong walang mga kapansanan.

Sa Bahagi 2, ang resources mula sa Charting the Life Course ay

maaring gamitin upang makapagplano kung paano magkakaroon

ng mainam na buhay sa komunidad. Inilalarawan naman ng

Bahagi 3 ang bawat katangian ng mahuhusay na home and

community-based services; ito’y may mga katanungan upang

maaseso ang progreso at malaman kung saan maaring patuloy

na humusay. May ibinibigay na mga halimbawa ng ilang personcentered

approaches (mga pamamaraan na nagbibigay-priyoridad

sa indibidwal) upang tulungan ang mga indibidwal na may mga

kapansanan at ang providers na bigyan-pansin ang pangarap ng

isang tao na magkaroon ng mabuting pamumuhay. Ang personcentered

approaches na nakalarawan sa Mabuting Pamumuhay

sa Aking Komunidad ay makakatulong din sa providers na

matugunan ang mga pangangailangan ng home at communitybased

settings. Ang Bahagi 4 ay may mga mainam na tip kapag

makikipagtulungan sa isang planning team upang masuportahan

ang pangarap na magkaroon ng mabuting pamumuhay gamit

ang person-centered planning, at iba’t-ibang resources para sa

karagdagang impormasyon.

HCBS Peer Partners Project Grant

Ang workbook na ito ay pinondohan ng isang grant mula sa

California Department of Developmental Services. Ang UCP

WORK, Inc. ay ang pangunahing ahensiya, at kinakatawan nito

ang isang rehiyonal na proyekto ng mga pagsisikap ng iba’t-ibang

providers na nagsusuporta sa mga indibidwal at mga pamilya sa

Tri-Counties Regional Center catchment area. Kabilang dito ang

UCP-LA at Villa Esperanza sa Ventura County, UCP WORK, Inc.,

CPES/ Novelles, at Devereux sa Santa Barbara at San Luis Obispo

Counties. Nagsagawa ang isang ad hoc subcommittee ng TCRC

Vendor Advisory Committee, na binubuo ng service providers,

tauhan ng regional center, at mga kinatawan mula sa State Council

on Developmental Services (SCDD), ng isang survey ng regional

service providers. Nang napag-aralan ang mga resulta, naipakita

ng survey na may gap sa pagbigay ng impormasyon tungkol sa

HCBS at Person-Centered Thinking resources sa providers na nasa

malalayong lugar at na nagpapalakad ng maliit na negosyo na

nagsisilbi sa mga indibidwal at mga pamilya.

Ang nagbibigay-sigla sa mga pagsisikap ng grant project ay ang

tulungan ang providers na maunawaan kung paano matutupad

ang bagong HCBS Waiver Community Standards. Ang mas

malaking layunin ng mga pamantayan at ng grant project na ito

ay ang suportahan ang mga taong may mga kapansanan upang

magkaroon sila ng mas mabuting pamumuhay, hindi lamang sa

papel. Para sa mga taong sinusuportahin namin, sinisikap naming

magbigay sa kanila ng karagdagang kontrol sa kanilang mga

serbisyo, nang matanggap nila kung ano ang mahalaga sa kanila:

mga serbisyong nagsusuporta sa kanilang sariling pananaw para

sa kinabukasan, nagsusuporta sa kung ano ang mahalaga upang

maging mga ligtas at minamahalagang miyembro ng kanilang

komunidad, nang nananatiling nasa mabuting kalusugan.

Mga Pasasalamat

Maraming salamat sa iba’t-ibang contributors na tumulong sa

paglikha ng patnubay na ito

HCBS Peer Partner Advisory Committee

Dave Mulvey, HCBS Peer Partners Project Coordinator

Diva Johnson, Tri-Counties Regional Center

Harry Bruell, PathPoint

Judy Linares, UCP Work Inc.

Kathy Webb, UCP Work Inc.

Mark O’Keefe, Tri-Counties Regional Center

Mary Beth Lepkowsky, Helen Sanderson Associates USA

Michele Ferrall, CPES/Novelles

Nikisa Simmons UCP-LA

Tina Calderaro-Mendoza, Tri-Counties Regional Center

Ang Mabuting Pamumuhay sa Aking Komunidad ay pinondohan

ng isang grant mula sa California Department of Developmental

Services at naglalaman ito ng mga tuntunin at mga konsepto na

idinebelop at ginamit dito nang may pahintulot ng The Learning

Community for Person-Centered Practices. http://tlcpcp.com/

Ang mga kuwento at mga halimbawa ay nagmula kay Sue

Goss, Diva Johnson, Rebecca Martinez, David Mulvey, Valerie

Nix, Michael Kaszycki, Derek Smith at Mary Beth Lepkowsky. Ang

ibang mga tao naman ay may kagandahang-loob na nagbigay

ng pahintulot upang maibahagi ang iba’t-ibang person-centered

resources.

Helen Sanderson Associates USA

https://helensandersonassociates.com

John O’Brien at Beth Mount

https://inclusion.com/product/make-a-difference-a-guidebookfor-person-centered-direct-support

Line Plourde-Kelly Kapuskasing & District Association for

Community Living (KDACL)

http://www.kdacl.com

Charting the Lifecourse

https://www.lifecoursetools.com

Inedit ni: Mary Beth Lepkowsky, Dave Mulvey, at Eugene Baldwin

Translations/pagsasalin sa ibang mga wika: Inline Translation

Services

Design: Julie Barclay

Mayo 2020

1.2 Mabuting Pamumuhay sa Aking Komunidad

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!