Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
Ano ang mga kalidad ng home and community-based

settings?

Inilalarawan ng requirements sa HCBS Rule ang mga katangian ng kalidad ng home

and community-based services. Inilalarawan nila kung paano dapat maiba ang home

and community-based services sa mga serbisyo sa institusyon o developmental center.

Kalidad na Kinakailangan para sa Home and Community-based Services

Kalidad na Kinakailangan #1: Pagiging bahagi ng komunidad

Ang ibig sabihin nito’y ang setting ay nagsusuporta sa isang taong may kapansanan upang

siya’y may parehong mga pagkakataong maging isang aktibo at kasaling miyembro ng kanyang

kapitbayahan at komunidad, tulad ng isang taong walang mga kapansanan. Ang mga tao ay

dapat may mga pagkakataong:

• makahanap ng kompetitibong trabaho, kung saan makapagtratrabaho sila kasama ng ibang

mga taong walang mga kapansanan.

• lumahok sa mga lokal na aktibidad.

• mag-access ng mga serbisyo sa komunidad tulad ng ibang mga taong walang mga

kapansanan.

Kalidad na Kinakailangan #2: Makakapili kung saan at kung paano ako maninirahan

Ang ibig sabihin nito’y ang setting ay nagsusuporta sa isang taong may kapansanan na

makapili kung saan at kung paano niya gustong manirahan mula sa mga opsyon kabilang ang

mga setting kung saan naninirahan at gumugugol ng panahon ang mga taong walang mga

kapansanan. Para sa residential settings, kabilang dito ang.

• pagkakaroon ng opsyong makakuha ng pribadong kuwarto, kung mayroon nito.

Kalidad na Kinakailangan #3: Pagkakaroon ng pagka-pribado, karangalan, at respeto

Ang ibig sabihin nito’y ang provider setting ay dapat magbigay-suporta sa mga indibidwal na

karapatan, kabilang ang pagka-pribado, karangalan, at respeto, at pagiging malaya mula sa

puwersa o pagpigil. Ang ilan sa mga karapatan ng isang indibidwal na may kapansanan ay:

• dapat maaring i-lock niya ang mga pintuan sa kuwarto ng indibidwal o sa tahanan.

• dapat makagamit siya ng telepono kahit kailan.

• dapat makalabas-pasok siya kahit kailan.

• dapat may panahon siyang makapag-isa upang magkaroon ng pagka-pribado.

Kalidad na Kinakailangan #4: Pagiging malaya

Ang ibig sabihin ng pagiging malaya ay ang mga taong may mga kapansanan ang siyang

gagawa ng mga desisyon tungkol sa kanilang mga buhay at kung ano ang gusto nilang gawin.

Dapat magbigay ang provider setting ng pagkakataon sa mga tao na

• magpasiya kung ano ang gusto nilang gawin sa kanilang araw.

• gumawa ng personal na iskedyul.

• magpasiya kung saan nila gusto magpunta.

• kontrolahin ang personal resources at indibidwal na budget.

Kalidad na Kinakailangan #5: Pagpili ng mga suporta at kung sino ang magbibigay nito

Sinusuportahan ng provider setting ang mga tao upang mapili nila ang kanilang mga serbisyo

at kung sino ang magbibigay nito. Ang pagkakaroon ng choice ay nangangahulugang mapipili

ng isang tao kung anong mga serbisyo at mga suporta ang kinakailangan niya. Maaring

piliin ng tao kung sino ang magbibigay ng mga serbisyong iyon at kung saan sila ibibigay.

Tulad ng karamihan ng mga bagay sa buhay, ang choices ay batay sa mga indibidwal na

pangangailangan at mga kagustuhan, at pati na rin sa mga opsyon at resources na available.

1.6 Mabuting Pamumuhay sa Aking Komunidad