Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
Ang Aking Pangarap o Pananaw. na Magkaroon ng

Mabuting Pamumuhay sa Aking Komunidad

SKILL: Tool para Lumikha ng isang Pananaw

kung paano

gawin ito

Ang aking pananaw ng mabuting

pamumuhay sa aking komunidad

Ang bawat isa sa atin ay nais magkaroon ng mabuting

pamumuhay. Ang bawat isa sa atin ay may sariling

depinisyon ng mabuting pamumuhay. Inilalarawan ng

mga tao ang kanilang mabuting pamumuhay batay sa mga

bagay na mahalaga sa kanila at mahalaga para sa kanila.

Ano ang nagagawa nito

Ang worksheets sa mga sumusunod na pahina, na tinatawag

na “Isang Tool para Magdibelop ng Pananaw” ay maaring

makatulong kapag gumagawa ng pananaw ng kinabukasan.

Makakatulong ito sa service providers na pag-isipan kung

paano nila masusuportahan ang isang tao upang mas

màlapit ang taong ito sa buhay na GUSTO niya, at nang

maiwasan niya ang màlapit sa buhay na AYAW niya.

Paano ito nakakatulong

Ang resource na ito ay maaring ibahagi sa isang taong

tumatanggap ng suporta, sa mga kapamilya, at sa mga

taong nagmamahal at may pagmamalasakit sa táong iyon,

upang mapag-isipan nila ito at makapag-contribute sila

sa pananaw ng kinabukasan. Hindi ito isinagawa upang

maging pag-uusap; ito’y mga tanong na dapat pag-isipan.

Paano ito nakakatulong

Upang gumawa ng pananaw ng kinabukasan para sa iyong

sarili, o upang tulungan ang isang tao na pag-isipan at

isulat ang kanyang pananaw ng kanyang kinabukasan:

• Maglaan ng panahon upang maingat na matuklasan

kung ano ang mahalaga sa tao at sa kanyang mga

minamahal sa buhay.

• Maglaan ng panahon upang matuklasan ang iba’t-ibang

mga ideya, at isaalang-alang kung aling pananaw para

sa kinabukasan ang magiging pinakamainam para sa

kasalukuyang sitwasyon.

• Gamitin ang isa o higit pa sa mga iba’t-ibang bahagi ng

buhay (tinatawag na domains) upang masimulan ang

iyong pananaw.

Ang Paglikha ng Pangarap o Pananaw na Magkaroon ng Mabuting Pamumuhay sa Aking Komunidad 2.11