28.07.2020 Views

Combined-Living_Well_In_My_Community_Tagalog_Web

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Ang Pagkakaroon ng Choice at Kontrol sa Aking Buhay

kung paano

gawin ito

SKILL: One-Page Profile

Ano ang nagagawa nito

Ano ang one-page profile? Ang one-page profile ay

kung saan magsisimula upang magkaroon ng maikling

buod ng kung ano ang mahalaga sa isang tao (ano ang

mahalaga sa) at kung paano siya masusuportahan nang

mabuti (kabilang ang kung ano ang mahalaga para sa).

Ang mga eksperto sa nilalaman ng one-page profile ay

ang tao mismo at ang mga taong pinaka-nagmamahal at

nagmamalasakit sa kanya. Ibinabahagi rin ng one-page

profile kung ano ang minamahalaga ng iba sa táong iyon.

Paano ito nakakatulong

Bakit ba tayo mayroong one-page profiles? Upang

malaman natin kung ano ang mahalaga sa bawat

isa sa atin at kung paano natin pinakamainam na

masusuportahan ang isa’t-isa. Lahat tayo ay may mga

talent at mga kalidad, at mga bagay na mahalaga sa atin;

at lahat tayo ay nangangailangan ng suporta na naiiba

para sa bawat isa. Ang one-page profiles ay nakakatulong

sa atin na ibahagi ang impormasyon na ito sa iba, sa ating

pamilya, mga kaibigan, direct supporters, managers at mga

kasamahan sa trabaho upang mas makilala natin ang isa’tisa

at masuportahan natin nang mahusay ang isa’t-isa.

Tungkol saan ang One-Page Profile Sections

Ang One-Page

Profile ni Michael

Si Michael ay malakas na

advocate o tagapagtaguyod

para sa kanyang sarili at sa iba.

Siya’y may pagmamalasakit,

nakakatuwa, mabait, at mahilig

makipaghalubilo sa kanyang

mga kaibigan. Si Michael

ay tinutulungan sa tahanan

para sa kanyang personal na

pangangalaga. Kapag unang

makilala si Michael, medyo

mahirap maintindihan ang

kanyang pananalita kaya

gumawa siya ng one-page

profile upang tulungan ang

kanyang direct support staff

na mas makilala siya, at upang

malaman nila kung paano

magbigay ng mabuting suporta.

Ano ang nagugustuhan at hinahangaan ng mga tao sa akin...

Ang seksyon na ito ay hindi

Isang listahan ng kung ano ang mga nagawa o

kung ano ang mga award na natanggap; ito’y

buod ng iyong mga magagandang katangian.

Ang seksyon na ito ay

Ano ang mabuti tungkol sa iyo? Ano ang

minamahalaga ng iba tungkol sa iyo? Ano ang

mga magagandang kontribusyon na nagawa mo?

Ano ang mahalaga sa akin...

Ang seksyon na ito ay hindi

lamang listahan ng mga bagay na gusto

mo; ito’y buod ng mga bagay na talagang

mahalaga sa iyo.

Ang seksyon na ito ay

Isang buod ng kung ano ang mahalaga sa iyo.

Sinasabi nito sa mga tao kung ano ang mahalaga

sa iyo. Kung ano ang iyong mga hobby, kung saan

ka interesado, at kung ano ang iyong mga hilig.

Sino ang mahalaga sa iyo at ano ang ibig sabihin ng

pagkakaroon ng “mabuting” araw para sa iyo.

Paano ako pinakamainam na masusuportahan....

Ang seksyon na ito ay hindi

Isang listahan ng mga ordinaryong pahiwatig; ito

ay ang ispesipikong impormasyon na mainam na

malaman ng ibang mga tao upang masigurado

nila na nararamdaman mong sinusuportahan ka.

Ang seksyon na ito ay

Ang ispesipikong impormasyon na mainam

malaman at magawa ng ibang mga tao kung

susuportahan ka nila sa pinakamabuting

paraang maaari.

Ang Paglikha ng Pangarap o Pananaw na Magkaroon ng Mabuting Pamumuhay sa Aking Komunidad 2.7

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!