28.07.2020 Views

Combined-Living_Well_In_My_Community_Tagalog_Web

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

kung paano

gawin ito

Ang AkingPangarap o Pananaw na Magkaroon ng

Mabuting Pamumuhay sa Aking Komunidad

SKILL: LifeCourse Trajectory

Ano ang nagagawa nito

Ang trajectory ay isang daan. Ang LifeCourse Trajectory ay

tumutulong sa mga indibidwal at mga pamilya na pag-isipan

ang hinaharap. Unang-una, pag-isipan ang hinaharap na

NAIS ng táong may kapansanan. Pagkatapos, pag-isipan ang

hinaharap na AYAW ng táong iyon. Pagkatapos ay gamitin ang

blangko sa paligid ng mga arrow upang isulat ang mga aksyon

at mga karanasan na makakatulong patungo sa pananaw ng

pagkakaroon ng mabuting pamumuhay. Mainam din ang

isulat ang mga aksyon at mga karanasan na nagpapanatili sa

tao sa daan patungo sa buhay na ayaw niya, upang maiwasan

niya ang mga ito, kung maaari.

Paano ito nakakatulong

Ang isang pananaw ng mabuting pamumuhay ay maaring

para sa matagal pang panahon. Maaring piliin ng mga taong

pag-isipan ang kung saan nila gusto mamuhay makalipas

ang tatlong taon. O kung anong uri ng trabaho sa darating

na panahon ang magbibigay-ligaya sa kanila, kung saan nila

madadama ang kasiyahan na may nagawa sila.

Ang isang pananaw ng mabuting pamumuhay ay maari ring para

sa darating na mas maikling panahon sa hinaharap. Sa “Trajectory

ni Derek para sa mga Darating na Ilang Linggo”, kinausap ni

Derek ang kanyang ina upang lumikha siya ng pananaw ng

kanyang mabuting pamumuhay para sa darating na ilang linggo

upang tulungan siyang maging masaya, ligtas, at konektado sa

mga kaibigan at pamilya habang siya’y nangailangang manatili

sa tahanan noong may coronavirus pandemic. Maraming mga

biglang pagbabago sa kanyang rutina, at napansin ni Derek na

ang pagkakaroon ng pananaw at plano ay nakatulong sa kanya na

makayanan ang stressful na panahon.

Paano ito nakakatulong

Tingnan ang halimbawa ni Derek sa susunod na pahina.

Gamitin ang blangkong worksheet upang gawin ang iyong

pananaw para sa iyong mabuting pamumuhay.

1. Upang magsimula, tingnan ang blangkong Trajectory

worksheet na ginawa para sa halimbawa ni Derek.

2. Pumili ng isa o higit pang mga parte ng iyong buhay na nais

mong planuhin at isulat ang mga ito sa kaliwang bahagi ng

worksheet. Mainam ang pumili ng mga parte mula sa iyong

kinompletong Tool for Supporting a Vision worksheet.

Mainam din ang pumili ng iba’t-ibang parte, depende sa

kung ano ang mahalaga sa iyo.

3. Pagkatapos, sa kanang

bahagi naman ng Trajectory

worksheet, isulat kung ano ang

gusto mo at kung ano ang ayaw

mo sa bahaging iyon ng iyong

buhay.

4. Ibahagi sa iyong planning team

ang iyong pananaw para sa

hinaharap. Matutulungan ka

nilang gumawa ng action plan

upang makakilos ka patungo sa

direksyon ng iyong pananaw.

5. Ang Tool for Creating a Vision

at ang LifeCourse Trajectory ay

talagang mahusay kapag ginamit

kasama ng lahat ng ibang

person-centered thinking skills.

Eto ang ilang benefits nito:

• Nag-aambag sila sa iyong

pag-unawa ng kung ano ang

mahalaga sa at mahalaga para

sa isang tao.

• Makapagbibigay sila ng mga

insight tungkol sa kung sino

ang maaring maging mahusay

na match o maitutugma sa

isang tao.

• Makapagbibigay sila ng

impormasyon tungkol sa mga

talent at skills ng isang tao.

• Nagbibigay sila ng mga ideya

para sa mga maaaring maging

oportunidad, o mga naiibang

oportunidad, upang magtatag

ng mga makabuluhang

koneksyon sa komunidad.

• Makakatulong sila sa tao at

sa planning team na pagisipan

ang mga magiging

resulta, at ang mga suporta na

kakailanganin upang mamuhay

nang makabuluhan alinsunod

sa kagustuhan ng indibidwal.

Ang Paglikha ng Pangarap o Pananaw na Magkaroon ng Mabuting Pamumuhay sa Aking Komunidad 2.15

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!