You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
Ano ang HCBS?

Ano ang home and community-based

services (HCBS)?

Ang HCBS ay nangangahulugang Home

and Community-Based Services. Kabilang sa

home and community-based services ang

iba’t-ibang mga uri ng mga pangmatagalang

serbisyo at mga suporta na tumutulong sa

mga taong may mga kapansanan at sa mga

matatanda upang mamuhay sila tulad ng iba

sa kanilang mga komunidad.

Ang ilang mga halimbawa ng mga

pangmatagalang serbisyo at mga suporta ay:

• Adult day services.

• Job coaches.

• Personal care services na makakatulong sa

mga pang-araw-araw na aktibidad tulad ng

pagkain, pagligo, at pagbihis.

Ang Medicaid ay isang programa ng pederal

na pamahalaan ng Estados Unidos na

tumutulong sa mga tao na makakuha ng

health care kung gipit sila sa pananalapi.

Maraming mga taong may mga kapansanan

ang gumagamit ng Medicaid. Sa California,

ang Medicaid program ay tinatawag na

MediCal.

Binabayaran ng Medicaid ang mga

pangmatagalang serbisyo at mga suporta.

Ang ilang service providers ay tumatanggap

ng pera mula sa Medicaid upang magbigay

ng mga pangmatagalang serbisyo at mga

suporta.

Kapag kinukuha ng mga tao ang mga

pangmatagalang serbisyo at mga suporta sa

kanilang komunidad, ito’y tinatawag na home

and community-based services (HCBS). Ang

home and community-based settings ay mga

lugar kung saan naninirahan at gumugugol

ng panahon ang mga indibidwal na may

mga kapansanan; halimbawa, lisensyadong

residential settings at day programs. Kapag

nagbayad ang Medicaid para sa home and

community-based services, nakakatulong

ito sa mga taong may mga kapansanan na

manirahan sa kanilang mga komunidad.

Tinutulungan nito ang mga taong may mga

kapansanan na mamuhay tulad ng iba.

Ano ang Home and

Community-Based Services

Waiver?

Dati ay hindi binabayaran ng Medicaid ang

home and community-based services. Sa mga

institusyon lamang nakukuha dati ng mga tao

ang mga serbisyo. Sa California, ang ilang mga

institusyon ay tinatawag na developmental

centers.

Noong mga 1980, sumulat ng “waiver” ang

pamahalaan ng US upang baguhin ang batas.

Binago ng Home and Community-based

Services Waiver ang batas upang hayaan ang

Medicaid na magbayad para sa mga serbisyo

sa tahanan o sa komunidad, at hindi lamang

sa mga institusyon o sa developmental

centers.

Ano ang Pakataran ng HCBS?

Bakit ito kinakailangan?

Sinimulang bayaran ng Medicaid ang

home and community-based services. Pero

walang nagpasiya kung ano ang magiging

pagkakaiba ng mga serbisyong ibinibigay sa

tahanan o komunidad sa halip na sa isang

institusyon.

Ang HCBS Rule ay nilikha upang ipaliwanag

kung ano dapat ang magiging itsura ng home

and community-based services, at kung ano

ito hindi dapat. Sinisigurado nito na hindi

magbibigay ang Medicaid sa HCBS ng pera

para sa mga programa at mga serbisyo na

mas mukhang mga programa at mga serbisyo

ng mga institusyon.

Tinutulungan ng HCBS Rule ang mga taong

may mga kapansanan na mamuhay sa

kanilang mga komunidad. Tinutulungan

nito ang mga taong may mga kapansanan na

makuha ang mga uri ng serbisyo na kailangan

nila. At tinutulungan nitong masigurado na

ang home and community-based services ay

tunay na HCBS at hindi parang mga serbisyo

ng isang institusyon.

Ipinapahayag din ng HCBS Rule na may

hanggang Marso 2022 kung kailan dapat

sumunod ang lahat ng mga serbisyo sa bawat

estado sa mga bagong patakaran. Pagkatapos

ng Marso 2022, hindi bayabaran ng pederal

na pamahalaan ang service providers na hindi

tumutupad sa mga bagong patakaran.

1.4 Mabuting Pamumuhay sa Aking Komunidad