11.07.2015 Views

Front Matter God Save Me - Family Radio Worldwide

Front Matter God Save Me - Family Radio Worldwide

Front Matter God Save Me - Family Radio Worldwide

SHOW MORE
SHOW LESS
  • No tags were found...

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Paghambingin ang Mga Bagay na Ayon sa Espiritu sa MgaPananalitang Ayon Sa EspirituKailangan nating laging tandaan ang pangunahingalituntunin na dapat sundin habang pinagtatangkaan natingmatuto sa Biblia, at ang alituntuning iyan ay kailangan natingpaghambingin ang mga bagay na ayon sa Espiritu sa mgapananalitang ayon sa Espiritu (I Corinto 2:13). Iyan ay, habangpinag-aaralan natin ang Biblia, ay kailangan nating tiyaking angmga pagkakaunawa natin, bawa’t isa sa kanila, ay tumutugmasa buong Biblia.Na nasa isip ang mga katotohanang ito at ginagamit angmga pamamaraang natutunan na natin sa pag-aaral na ito, aytitingnan natin ang ilang bersikulo na tuwirang bumabanggit sapaksang pagiging ligtas. Magsisimula tayo sa kilalang-kilalangbersikulo, ang Roma 10:13, na kung saan ay ipinapahayag ngDios:Sapagka’t, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ngPanginoon ay mangaliligtas.Makikita kaagad ang pulang babala, iyan ay, dapat tayongmaging maingat. Ang pagsunod sa utos na tumawag sa Dios aygawa na ginagawa natin. Ang bersikulong ito ay lumilitaw nanagtuturong kung gagawin natin ang pagtawag sa Dios, aymagbubunga ito sa pagkakaligtas natin, subali’t iyan ay imposiblesapagka’t ang Dios ang gumawa ng lahat ng gawa upang tayoay maligtas. Kaya, alam nating hindi natin mauunawaan angbersikulong ito hanggat hindi tayo nakakahanap ng masmaraming kaalaman mula sa Biblia.Sa pagahahanap natin ng mas maraming kaalaman, aymakakarating tayo sa Jeremias 29:11-13, na kung saan ay sinasabing Dios:Sapagka’t nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sainyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan,at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasasa inyong huling wakas. At kayo’y magsitawag sa akin, atkayo’y magsisiyaon at magsisidalangin sa akin, at akingdidinggin kayo. At inyong hahanapin ako, at masusumpunganako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso.31

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!