FINAL REPORT - Philippine Center for Investigative Journalism
FINAL REPORT - Philippine Center for Investigative Journalism
FINAL REPORT - Philippine Center for Investigative Journalism
Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
Medicare fund to the Philippine Health Insurance Corporation. Ang mga

nakalagda po dito ay si Labor Secretary Sto. Tomas bilang Chair,

nandiyan din po yong lagda ni OWWA Administrator …bilang Vice-Chair,

andiyan din po ang mga lagda ng iba’t-ibang kinatawan ng Department

of Budget and Management. Pero kapansin-pansin nga po na hindi ito

…ni Binibining Carsola na siya po ang kinatawan ng land-based OFW.

Sa isang press release po na na nilabas ni Binibining Carsola

nong March 15, 2004, denetalye po niya na hindi po siya talaga naglagda

dahil tinututulan po niya itong paglipat ng pondo dahil sa paniniwala na

ang pera po ng mga migrante ay dapat manatili sa OWWA na kung saan

siya po ay isang trust fund. Ngayon tingnan po natin ang PhilHealth

cards. Ito po yong hitsura ng philhealth card noon. Ito rin naman po

ang design ng PhilHealth card ngayon. Mas malaki po mapapansin natin

yong litrato ni Arroyo sa likod kaysa sa may-ari ng card at meron pong 2

pictures si Arroyo diyan: meron sa harap sa ibabaw ng picture ng mayari

ng card at meron din po sa likod.

Meron pong iba’t-ibang version itong PhilHealth card. Sa isang

bersyon po ay may nakalagay sa tabi ni Arroyo actually GMA na ang ibig

sabihin po ‘Greater Medical Access’ at sa baba po nito ay ang slogan na

‘GMA para sa masa, para sa lahat’

Batay po sa mga ulat na nakalap namin mula sa media report,

nakita po natin na nagmudmod si Arroyo ng mga PhilHealth cards sa

buong Pilipinas noong panahon ng kampanya mula po sa Sultan

Kudarat, nong January 2004, namigay po siya ng 4,208 cards; North

Cotabato, 1,008 cards; Central Luzon 240,000; sa Cagayan, 29,765; sa

Cebu City naman po 11,583 at sa Zamboanga 300 mula sa January

hanggang March 2004.

Inilabas din po sa isang pahayagan noong April 31, 2004 sa …

Lucban, Quezon pinapalabas ni Arroyo na nakapamahagi na daw po siya

ng Philhealth cards sa 26 milyon pamilya sa buong bansa.

xxx xxx xxx

MS. ANA MARIA NEMENZO: May itatanong lang ako. Naglalabas pa

ba ng PhilHealth cards na mayroong litrato ni GMA?

MS. MARGARITHA SANTIAGO: Wala po ako… ah …sa pagkakaalam

ko, wala po kaming alam na may mga bagong cards na inissue.

Ang alam po namin batay sa mga ulat sa media ay after 1 year

hindi na po valid itong PhilHealth cards na pinamigay noong

panahon ng election. (emphasis supplied)

MS. ANA MARIA NEMENZO: Samakatuwid talagang wala na noon lang

sa period ng election at hindi na nasundan pa.

MS. MARGARITHA SANTIAGO: Opo, sa kalakhan mukhang yan po ang

naganap.”

147