11.03.2017 Views

ekonomikslmyunit3-150509141302-lva1-app6892

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Gawain 8: MAGKUWENTA TAYO

Suriin at pag-aralan ang talaan sa itaas. Matapos ito, kuwentahin ang kabuuang

bilang ng mga uri ng institusyong pinansiyal. Gumamit ng pie graph upang madaling

matukoy ang bilang o bahagdan.

Hayaang pagkomparahin ang mga uri ng A, B, at C ayon sa katangian ng mga

ito. Bumuo ng sariling kongklusyon ayon sa nakalap na impormasyon.

A. Banks

B. Non-Bank

C. Offshore Banking Unit

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mga uri ng institusyon ng pananalapi ayon sa talaan?

2. Ano ang nagtala ng may pinakamataas na bilang sa mga institusyon ng

pananalapi?

3. Ano ang naging batayan sa mga nabuong kongklusyon? Pangatwiranan.

Ang Bangko Sentral ng Pilipinas

DEPED

Bilang tagapangasiwa ng salapi, pautang,

COPY

at pagbabangko, ang Bangko

Sentral ng Pilipinas ay itinatag upang mapangalagaan ang kabuuang ekonomiya

ng bansa. Nagpapatupad ito ng mga estratehiya na magsisiguro upang iwasan ang

mga suliraning pang-ekonomiya. Ang mga pamamaraan na ginagamit ng BSP upang

mapangasiwaan ang suplay ng salapi sa sirkulasyon ay ang sumusunod:

Estratehiya

Open Market

Operation

Pagtatakda ng

Kinakailangang

Reserba

Paraan

Ginagamit ng BSP ang securities upang pangasiwaan ang

dami ng salapi sa sirkulasyon. Bibili ang BSP kapag nais nito

na magdagdag ng salapi sa sirkulasyon at magbebenta naman

kapag nais magbawas ng supply sa ekonomiya. Ang securities

ay papel na kumakatawan sa mga asset ng bansa at nagsisilbing

garantiya sa transaksiyon na ito.

Bahagi ng operasyon ng mga bangko ang pagtatabi sa bahagi ng

idinepositong pera sa kanila at ang nalabing bahagi ay maaaring

ipautang upang lumago at kumita. Ang BSP ang nagtatakda ng

reserbang itinatabi ng bangko na ginagamit upang makontrol ang

dami ng perang lalabas at maaaring ipautang ng mga bangko.

Kung ang layunin ng BSP ay magdagdag ng pera sa sirkulasyon,

ibababa nito ang kinakailangang reserba ng mga bangko upang

mas marami ang ipautang. Ang multiplier effect ay inaasahang

makagpapasigla sa ekonomiya. Ngunit kung kinakailangan

naman na bawasan ang sobrang dami ng salapi at maiwasan ang

implasyon, itinataas ng BSP ang mga kinakailangang reserba ng

mga bangko.

319

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!