11.03.2017 Views

ekonomikslmyunit3-150509141302-lva1-app6892

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Makalipas ang sampung taon, ang perang naipon ni Jonas sa investment

program ay umabot na sa halos isang milyon. Muli niyang inilagak sa ibang investment

program ang kaniyang pera at kumita na ito ng humigit kumulang sa dalawampung

libong piso (Php20,000.00) sa loob ng isang buwan. Malaya na si Jonas sa kahirapan,

bukod sa kaniyang suweldo mula sa trabaho ay may inaasahan pa siyang kita ng

kaniyang investment buwan-buwan.

Pamprosesong Tanong:

1. Sa iyong palagay, kahanga-hanga ba ang katangiang ipinakita ni Jonas?

Bakit?

2. Anong aral na maaaring mapulot mula sa kuwento? Ipaliwanag

3. Kung ikaw si Jonas, saan mo gagamitin ang perang naipon mong nang

sampung (10) taon?

Gawain 5: BABALIK KA RIN

Balikan mo ang aralin tungkol sa paikot na daloy ng ekonomiya. Hahatiin sa

dalawang pangkat ang klase. Magtatalaga ang inyong guro ng lider sa bawat pangkat.

Ang unang pangkat ay tatalakay sa konsepto at ugnayan ng kita at pagkonsumo. Ang

ikalawang pangkat naman ay tatalakay sa konsepto at ugnayan ng kita at pag-iimpok.

Matapos

DEPED

iulat ng bawat pangkat ang kanilang paksa,

COPY

sagutin ang mga pamprosesong

tanong.

UNANG PANGKAT:

Batay sa modelo ng paikot na daloy, ang mga salik ng produksiyon; lupa,

paggawa, kapital, at kakayahang entrepreneurial ay nagmumula sa sambahayan.

Ang bahay-kalakal naman ay responsable upang pagsama-samahin ang mga salik

ng produksiyon upang mabuo ang produkto at serbisyo. Sa ating dayagram sa

ibaba, makikita na ang halagang Php100,00 ay napunta sa sambahayan mula sa

bahay-kalakal bilang kabayaran sa mga salik ng produksiyon. Magsisilbi itong kita

ng sambahayan. Samantala magagamit ng sambahayan ang naturang halaga bilang

pagkonsumo. Ang Php100,000 ay mapupunta sa bahay-kalakal bilang kabayaran sa

mga nabuong produkto at serbisyo. Ang gastos ng bahay-kalakal bilang kabayaran

sa mga salik ng produksiyon ay nagsisilbing kita ng sambahayan. Sa kabilang banda,

ang paggastos ng sambahayan bilang kabayaran sa nabuong produkto at serbisyo ay

nagsisilbing kita ng bahay-kalakal. Ipinapakita sa paikot na daloy ang pag-aasahang

nagaganap sa pagitan ng sambahayan at bahay-kalakal.

265

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!