11.03.2017 Views

ekonomikslmyunit3-150509141302-lva1-app6892

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang nilalaman ng balita?

2. Sumasang-ayon ka ba sa isinasaad ng balita? Bakit?

3. Sa iyong palagay, kailan ang tamang panahon upang matutuhan ang

konseptong tinatalakay sa balita? Pangatwiranan.

Gawain 11: QUIET TIME

Sa pagkakataong ito sumulat ka ng isang repleksiyon sa patakarang pananalapi

bilang isang instrumento sa pagpapatatag ng ekonomiya. Isulat ang repleksiyon sa

iyong portfolio.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pinakamahalagang aral ang naitala mo sa iyong repleksiyon?

2. Ano ang dahilan at ito ang aral na higit mong naunawaan?

3. Sa iyong palagay, dapat bang matutuhan din ito ng iba pang kabataan at

mamamayan? Bakit oo o hindi? Patunayan.

DEPED COPY

ISABUHAY

Matagumpay mong natapos at naisakatuparan ang lahat ng gawain

para sa patakarang pananalapi. Ngayon ay mayroon ka ng sariling pamantayan

sa nagaganap sa ating ekonomiya. Tayo na sa huling bahagi ng ating aralin.

Pumunta sa tanggapan ng inyong lungsod at humingi ng kopya ng badyet

ng inyong lungsod o bayan. Kapanayamin din ang pinuno ng lungsod kung paano

inihahanda ang badyet at para sa bawat taon. Pag-aralan ang kita, pag-iimpok,

pamumuhunan, at implasyon sa nakalipas na limang taon.Maging malikhain sa paguulat

ng nakalap na impormasyon sa klase.

322

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!