11.03.2017 Views

ekonomikslmyunit3-150509141302-lva1-app6892

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa

paikot na daloy, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higit

mong maunawaan ng mas malalim ang konsepto nito.

PAUNLARIN

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa

paksang-aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito

sa tulong ng mga teksto at mga gawain na sadyang inihanda upang maging

batayaan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito

ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto

tungkol sa pambansang ekonomiya. Inaasahang magagabayan ka ng mga

inihandang gawain at teksto upang masagot kung papaanong ang kaalaman

sa pambansang ekonomiya ay makatutulong sa pagpapabuti ng antas ng

pamumuhay ng mga mamamayan tungo sa kaunlaran ng bansa?

Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng unang gawain na nasa

ibaba.

DEPED COPY

MGA MODELO NG PAMBANSANG EKONOMIYA

Unang Modelo. Ang unang modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan

ng simpleng ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga pangunahing

aktor sa modelong ito. Ang sambahayan ay ang kalipunan ng mga mamimili sa isang

ekonomiya. Ang bahay-kalakal naman ay ang tagalikha ng produkto.

Sa unang modelo, ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa. Ang lumilikha ng

produkto ay siya ring konsyumer. Ang supply ng bahay-kalakal ay demand nito kapag

kabilang na ito sa sambahayan.

Halimbawang ikaw ay napunta sa isang pulo na walang tao at sakaling walang

pagkakataon na ikaw ay makaalis agad doon, ano ang nararapat mong gawin upang

mabuhay? Maaaring gumawa ka ng paraan upang matugunan ang sarili mong

pangangailangan dahil wala namang gagawa nito para sa iyo. Ikaw ang maghahanap

ng pagkain, gagawa ng sariling bahay, at bubuo ng sariling damit. Sa madaling salita,

ang sambahayan at bahay-kalakal ay ikaw lamang.

Ang kita sa simpleng ekonomiya ay ang halaga ng produksiyon sa isang

takdang panahon. Inaasahan na ang halaga ng produksiyon ay siya ring halaga ng

pagkonsumo sa produkto. Upang lumago ang ekonomiya, kinakailangang maitaas ng

kaukulang aktor ang kanyang produksiyon at pagkonsumo.

231

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!