11.03.2017 Views

ekonomikslmyunit3-150509141302-lva1-app6892

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang patakarang pananalapi?

2. Ano ang pagkakaiba ng expansionary money policy at contractionary

money policy?

3. Kailan isinasagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang sumusunod na

patakaran?

Gawain 5: PAGYAMANIN ANG KASANAYAN

Iguhit ang kung kailangan ipatupad ang expansionary money policy at

naman kung contractionary money policy.

1. Maraming nagsarang mga kompanya bunga ng pagkalugi at mababang

benta.

2. Dahil sa digmaan sa Syria, maraming Overseas Filipino Workers (OFW)

ang umuwing walang naipong pera.

3. Tumanggap ng Christmas bonus at 13 th month pay ang karamihan sa mga

manggagawa.

4. Tumaas ang remittance ng dolyar mula sa mga OFW.

5. Matamlay ang kalakalan sa stock market dahil sa pandaigdigang krisis

pang-ekonomiya.

DEPED COPY

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang naging daan upang masagot mo ang mga sitwasyon?

2. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan na maunawaan ang mga sitwasyon

na inilalarawan sa gawain na ito? Ipaliwanag.

Ang mga patakarang ipinatutupad ng pamahalaan ay paraan upang

mapangasiwaan nang wasto ang kakayahang pinansiyal ng bansa. Kung babalikan

ang paikot na daloy, maaalala na ang salapi ay umiikot sa loob ng ekonomiya. May

pagkakataong lumalabas mula sa sirkulasyon ang ilan sa mga ito subalit muli itong

bumabalik. Ang isang paraan ay mula sa pag-iimpok at pamumuhunan ng sambahayan

at bahay-kalakal.

PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN

Sa aspekto ng pag-iimpok at pamumuhunan ayon sa modelo ng paikot na

daloy, ang pag-iimpok ay kitang lumalabas sa ekonomiya. Samantalang ang

pamumuhunan ang magbabalik nito sa paikot na daloy (Case, Fair at Oster, 2012).

Ang pamumuhunan ay nangangailangan ng sapat na salapi. Ang paggasta

ay kinapapalooban ng pagbili ng mga kagamitan, mga salik ng produksiyon at iba

pa. Pangkaraniwan na ang mga mamumuhunan ay gumagamit ng sariling salapi o

puhunan na hiniram sa ibang tao, sa bangko, o sa ibang institusyon sa pananalapi.

308

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!