11.03.2017 Views

ekonomikslmyunit3-150509141302-lva1-app6892

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

• Contractionary Fiscal Policy. Ang paraang ito naman ay ipinatutupad ng

pamahalaan kung nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa

ekonomiya. Karaniwang nagaganap ito kapag lubhang masigla ang ekonomiya

na maaaring magdulot ng overheated economy na mayroong mataas na

pangkalahatang output at employment. Ang ganitong kondisyon ay hihila

pataas sa pangkalahatang demand sa sambahayan at insentibo naman sa

mamumuhunan na patuloy na magdagdag ng produksiyon. Magdudulot ang

sitwasyon na ito ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin o implasyon. Sa ganitong

pagkakataon, ang pamahalaan ay maaaring magbawas ng mga gastusin nito

upang mahila pababa ang kabuuang demand. Inaasahang sa pagbagsak ng

demand, hihina ang produksiyon dahil mawawalan ng insentibo ang bahay

kalakal na gumawa ng maraming produkto. Magdudulot ito ng pagbagal ng

ekonomiya, liliit ang pangkalahatang kita na pipigil sa pagtaas ng presyo

ng mga bilihin at makokontrol ang implasyon. Ganito rin ang sitwasyon na

maaaring mangyari kapag nagtaas ang pamahalaan ng buwis. Mapipilitan ang

mga manggagawa na magbawas ng kanilang gastusin sa pagkonsumo dahil

bahagi ng kanilang kita ay mapupunta sa buwis na kukunin ng pamahalaan na

makaaapekto sa kabuuang demand sa pamilihan. Ito ang dalawang paraan

sa ilalim ng patakarang piskal ng pamahalaan upang maibalik sa normal na

direksiyon ang ekonomiya.

Gawain

DEPED

4: ALIN ANG MAGKASAMA

COPY

Tukuyin kung expansionary o contractionary fiscal ang mga patakaran na

nasa loob ng kahon. Ihanay ang mga ito ayon sa dalawang polisiya sa ibaba ng

kahon. Talakayin ang naging gawain.

• Pagbaba ng singil sa buwis

• Pagdaragdag ng gastusin ng pamahalaan

• Pagtaas ng kabuuang demand

• Pagbaba ng kabuuang demand

• Pagtaas ng singil ng buwis

• Pagbaba ng gastusin ng pamahalaan

• Pagdaragdag ng supply ng salapi

EXPANSIONARY

FISCAL POLICY

CONTRACTIONARY

FISCAL POLICY

290

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!