11.03.2017 Views

ekonomikslmyunit3-150509141302-lva1-app6892

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Gawain 6: GAWA TAYO NG TINA-PIE

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong mabalangkas ang pambansang

badyet, paano mo ito hahati-hatiin? Ano ang bibigyan mo ng prayoridad? Bakit?

Gumawa ng ilustrasyong naka-pie graph sa isang maikling bond paper.

Humanda sa pagbabahagi sa klase.

• Tanggulang bansa

• Social Services

• Kalusugan

• Agrikultura

• Repormang Agraryo

• Edukasyon

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mga naging basehan mo sa binalangkas na pambansang badyet?

2. Ikompara ang iyong prayoridad sa ginawang pagbabadyet sa prayoridad

ng pamahalaan.

3. Paano mo mapangangatwiranan ang isinagawang alokasyon?

Pinagmumulan

DEPED

ng Kita ng Pamahalaan

COPY

Ang pamahalaan ay nangangailangan ng salapi upang maisakatuparan ang

napakarami nitong gawain. Ang pamahalaan ay nakalilikom ng salapi sa pamamagitan

ng buwis at iba pang pinagkukunan nito tulad ng kita mula sa interes ng salaping

nakadeposito sa Bangko Sentral ng Pilipinas, mga kaloob at tulong mula sa mga

dayuhang gobyerno at mga pribadong institusyon, at mga kinita mula sa pagbebenta ng

ari-arian ng pamahalaan at mga kompanyang pag-aari at kontrolado ng pamahalaan.

Ang tinatanggap na kita ng pamahalaan ay tinatawag na revenue. Kung walang pondo

ang pamahalaan, hindi ito makapagbibigay ng produkto at serbisyong kinakailangan

ng taumbayan. Kabilang sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan ang

pagpapagawa ng mga imprastruktura, libreng edukasyon, pagpapanatili ng kapayapaan

at kaayusan, at pagtulong sa mga mahihirap na mamamayan. Kaya mahalaga para sa

pamahalaan na makalikom ng pondo upang makatugon sa mga pangangailangan nito

at ng mamamayan.

Makikita sa talahanayan na 81% ng kabuuang kita ng pamahalaan ay mula

sa buwis na personal na kita at kitang pangnegosyo, pag-aari, sa mga produkto at

serbisyo (VAT), sa mga pandaigdigang produkto at serbisyo (taripa) at iba pang buwis.

Samantala, 19% ay nagmumula sa kita ng pamahalaan mula sa mga korporasyong

pag-aari o kontrolado ng pamahalaan, sa pagbibigay ng mga lisensya at sertipiko, at

sa interes sa pagpapautang.

297

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!