11.03.2017 Views

ekonomikslmyunit3-150509141302-lva1-app6892

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

2. Hinihikayat ang partisipasyon ng mga civil society organization at iba

pang stakeholder sa pagbuo ng badyet ng mga ahensiya ng pambansang

pamahalaan. Ito ang tinutukoy na participatory o bottom-up budgeting.

3. Ipagtatanggol ng bawat ahensiya ang kanilang panukalang badyet sa

DBM. Pag-aaralan ng DBM ang mga mungkahing badyet at maghahain

ng kaukulang rekomendasyon.

4. Ang rekomendasyon ng DBM ay pag-aaralan ng isang executive review

board na binubuo ng kalihim ng DBM at mga nakatataas na opisyal ng

pamahalaan.

5. Bubuuin ng DBM ang National Expenditure Program (NEP) bilang

panukalang pambansang badyet ayon sa napagkasunduan ng executive

review board.

6. Ihaharap sa pangulo ng bansa ang NEP upang linangin.

7. Titipunin ng DBP ang mga dokumentong bubuo sa President’s Budget,

kabilang na rito ang NEP, at ito ay isusumite sa Kongreso bilang General

Appropriations Bill (GAB) upang aprubahan bilang isang ganap na batas.

DEPED COPY

Pinagkunan: Department of Budget and Management halaw mula sa aklat na Pambansang Ekonomiya at Pagunlad

nina Balitao et. al. 2014.

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit mahalaga ang paghahanda ng pambansang badyet sa isang taon?

2. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa paghahanda ng badyet?

3. Sa iyong palagay, paano magiging epektibo ang inihandang pambansang

badyet na mararamdaman ang epekto para sa sumusunod:

• mga taong nakatira sa squatter’s area

• mga nakatira sa Tawi-Tawi

• mga naapektuhan ng bagyong Yolanda

• mga taga Forbes’ Park

• ibang pamilyang kapareho ng pamilya mo

Ang Badyet ng Pamahalaan

Ang badyet ng bansa ay inihahanda ayon sa mga prayoridad ng pamahalaan. Ang

pagbibigay ng serbisyo ang pangunahing pinaglalaanan ng pamahalaan ng pondo

tulad ng edukasyon, pangkalusugan, social welfare, at iba pa. ang pagbabadyet ay

maaaring ayon sa sumusunod:

• badyet ayon sa sektor

• badyet ayon sa expense class

292

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!