11.03.2017 Views

ekonomikslmyunit3-150509141302-lva1-app6892

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

4. Registered Companies

Ang mga rehistradong kompanya (registered companies) ay

yaong mga kompanyang nakarehistro sa Komisyon sa Panagot at Palitan

(Securities and Exchange Commisssion o SEC) matapos magsumite ng

basic at additional documetary requirements, at magbayad ng filing fee.

Magkaiba ang basic, additional requirements, at filing fee sa pagpaparehistro

ng stock at non-stock corporations, at partnership.

5. Pre-Need

Ang Pre-Need Companies ay mga kompanya o establisimyento

na rehistrado sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na lisensiya na

mangalakal o mag-alok ng mga kontrata ng preneed o pre-need plans.

Maaaring magbenta ang isang pre-need company ng “single plan” (isang

uri lamang ng pre-need plan) o “multi-plan” (lampas sa isang uri ng preneed

plan). Ang Pre-Need Plans ay mga kontrata ng pagkakaloob ng mga

karampatang serbisyo sa takdang panahon o ang pagbibigay ng naaayong

halaga ng pera sa takdang panahon ng pangangailangan.

Ang mga kontratang nabanggit ay matatamo sa pagbabayad ng

katumbas sa perang halaga na napagkasunduan o nakasaad sa kontrata.

Maaari itong bayaran ng buo o di kaya ay hulugan. Ang mga halimbawa ng

DEPED

mga naturang plano ay ang sumusunod:

COPY

serbisyo sa burol at paglilibing,

pensiyon (pag-ipon ng perang panglaan sa pagreretiro sa trabaho), o sa

pag-aaral sa napiling unibersidad o paaralan.

Paglilinaw at Paalala:

• Ang mga pre-need companies ay hindi nagbebenta ng sumusunod

na seguro (insurance): seguro sa buhay (life insurance), seguro sa

napipintong aksidente (accident insurance), seguro para sa sakit (health

insurance), seguro para sa sunog (fire), seguro para sa sasakyan

(vehicle insurance) at mga kahintulad na seguro.

• Ang mga seguro naman para sa sakit o mga health maintenance

organizations (HMO) ay nasa ilalim ng regulasyon ng Kagawaran ng

Kalusugan (Department of Health).

6. Insurance Companies (Kompanya ng Seguro)

Ang insurance companies ay mga rehistradong korporasyon

sa SEC at binigyan ng karapatan ng Komisyon ng Seguro (Insurance

Commission) na mangalakal ng negosyo ng seguro sa Pilipinas.

C. Mga Regulator

1. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)

Itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 7653, ang BSP ay

itinalaga bilang central monetary authority ng bansa. Ito ang pangunahing

institusyong naglalayong mapanatili ang katatagan ng halaga ng bilihin

314

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!