11.03.2017 Views

ekonomikslmyunit3-150509141302-lva1-app6892

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Pamprosesong Tanong:

1. Mula sa talahanayan, ano ang may pinakamataas na CPI?

2. Anong taon ang may pinakamalaking bahagdan ng pagtaas sa

pangkalahatang presyo ng mga pangunahing produkto na kabilang sa

basket of goods?

3. Ano ang kahalagahan sa iyo, bilang miyembro ng pamilya ninyo, na

matukoy ang tunay na halaga ng piso? Ipaliwanag.

4. Paano mo mailalarawan ang karaniwang reaksyon ng iyong mga magulang

sa tuwing may pagtataas ng presyo sa mga bilihin? Pangatwiranan.

DAHILAN NG IMPLASYON

• Demand-pull. Nagaganap ang demand-pull inflation kapag nagkaroon ng

paglaki sa paggasta ang sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas

na sektor ngunit ang pagtaas ng aggregate demand ay hindi katumbas ng

paglaki ng kabuuang produksiyon. Dahil dito, nagkakaroon ng shortage sa

pamilihan kaya ang presyo ng bilihin ay tumataas. Ayon sa pananaw ng mga

monetarist sa pangunguna ni Milton Friedman, isang ekonomista na ginawaran

ng Gawad Nobel noong 1976, ang pagkakaroon ng labis na dami ng salapi sa

sirkulasyon ang isang dahilan kung bakit tumataas ang demand. Dahil sobra

ang salapi, malaki ang pagkakataon na patuloy na bibili ng maraming produkto

ang mamimili na magtutulak sa pagtaas ng presyo.

DEPED COPY

Kabuuang dami ng gastusin ng

sambahayan, bahay kalakal,

pamahalaan at dayuhang sektor

Dami ng produkto na gagawin at

ipamamahagi ng bahay kalakal

• Cost-push. Ang pagtaas ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi

ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin. Kung ang isang salik sa produksiyon,

halimbawa ay lakas paggawa, ay magkakaroon ng pagtaas sa sahod, maaari

itong makaapekto sa kabuuang presyo ng mga produktong ginagawa.

Maipapasa ng mga prodyuser ang pagtaas sa halaga ng lakas paggawa sa

mga mamimili. Kaya madalas na maririnig sa mga negosyante ang pag-iwas

sa pagtataas ng sahod ng mga manggagawa dahil sa epekto nito sa kabuuang

presyo ng produksiyon. Gayundin ang maaaring mangyari kung tataas ang

presyo ng mga inputs o hilaw na materyales o sangkap sa produksiyon. Ang

karagdagang gastos sa mga ito ay makapagpapataas sa kabuuang presyo

ng mga produkto dahil hindi nanaisin ng prodyuser na pasanin ang bigat ng

pagbabago sa presyo ng produksiyon.

IMPLASYON

MATAAS NA PRESYO

Dagdag na sahod, inputs, o hilaw na

materyales o sangkap

278

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!