11.03.2017 Views

ekonomikslmyunit3-150509141302-lva1-app6892

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KONSEPTO NG PATAKARANG PISKAL

Mula sa aklat nina Case, Fair, at Oster (2012), ang patakarang piskal ay

tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis ng

pamahalaan. Sa madaling salita, ito ay tungkol sa polisiya sa pagbabadyet. Ito rin

ang isinasaad sa aklat nina Balitao et. al (2014), kung saan ang patakarang ito ay

“tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta upang mabago

ang galaw ng ekonomiya”. Ayon kay John Maynard Keynes (1935), ang pamahalaan ay

may malaking papel na ginagampanan upang mapanatili ang kaayusan ng ekonomiya.

Simula pa noong Great Depression, nabuo ang paniniwalang ang pamahalaan ay

may kakayahan na mapanatiling ligtas ang ekonomiya tulad ng banta ng kawalan ng

trabaho. Kaya ang interbensiyon ng pamahalaan, sa isang banda, ay may malaking

kontribusyon upang masiguro ang pagsasaayos ng isang ekonomiya. Ang paggasta

ng pamahalaan ayon kay Keynes halimbawa, ay makapagpapasigla ng ekonomiya sa

pamamagitan ng paggamit ng lahat ng resources ayon sa pinakamataas na matatamo

mula sa mga ito na makapagdudulot ng full employment. Sa kabilang banda, ang

pakikialam ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga polisiya sa paggasta at

pagbubuwis ay makapagpapababa o makapagpapataas naman ng kabuuang output

higit sa panahon ng recession o depression.

DEPED

May dalawang paraan ang ginagamit ng

COPY

pamahalaan sa ilalim ng patakarang

piskal upang mapangasiwaan ang paggamit ng pondo nito bilang pangangalaga sa

ekonomiya ng bansa.

• Expansionary Fiscal Policy. Ang expansionary fiscal policy ay isinasagawa

ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa.

Ipinapakita sa kondisyong ito na ang kabuuang output ay mababa ng higit

sa inaasahan. Kaakibat ng mababang output ay mataas na gastos dahil hindi

episyenteng nagagamit ang lahat ng resources. Karaniwan ding mababa

ang pangkalahatang demand ng sambahayan at walang insentibo sa mga

mamumuhunan na gumawa o magdagdag pa ng produksiyon. Magdudulot ang

ganitong sitwasyon ng mataas na kawalan ng trabaho at mababang buwis para

sa pamahalaan. Upang matugunan ang ganitong sitwasyon, ang pamahalaan

ay karaniwang nagpapatupad ng mga desisyon upang mapasigla ang matamlay

na ekonomiya. Karaniwang isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggasta sa mga

proyektong pampamahalaan o pagpapababa sa buwis lalo sa panahong ang

pribadong sektor ay mahina o may bantang hihina ang paggasta. Dahil dito,

ang mamamayan ay nagkakaroon ng maraming trabaho at mangangahulugan

ng mas malaking kita. Sa bahagi ng bahay-kalakal, lumalaki rin ang kanilang

kita. Sa pagdagdag ng kita, nagkakaroon ng panggastos ang mamamayan at

ang bahay-kalakal na makapagpapasigla sa ekonomiya. Sa bawat gastos ng

pamahalaan, nagdudulot ito ng mas malaking paggasta sa buong ekonomiya

kung kaya’t maaasahan ang mas malaking kabuuang kita para sa bansa. Ganito

rin ang epektong pagbaba ng buwis. Higit na magiging malaki ang panggastos ng

mga sambahayan dahil sa nadagdag na kita mula sa bumabang buwis kaya

asahang tataas ang kabuuang demand sa pagkonsumo.

289

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!