11.03.2017 Views

ekonomikslmyunit3-150509141302-lva1-app6892

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

PANIMULA

Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang implasyon. Malinaw nating sinuri

ang malaking pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa mga nagdaang

panahon. Ito ay isang katotohanan ng buhay na hindi magagawang matakasan ninuman.

Bagamat isang malaking suliranin ang implasyon sa pambansang ekonomiya, ang

kaalaman tungkol dito ay makatutulong para maiwasan ang paglala nito.

Kaugnay ng suliraning dulot ng implasyon, ating tatalakayin ang isang

pamamaraan ng pamahalaan upang matutugunan ang negatibong epekto ng

implasyon. Sa pamamagitan ng pangangasiwa sa mga gastusin ng pamahalaan,

inaasahang matatamo ang katatagan ng ekonomiya. Sama-sama nating unawain ang

maaaring impluwensiya ng pamahalaan sa pamamagitan ng patakarang piskal.

Kaya muli kitang iniimbitahan sa pagtalakay ng bagong aralin upang iyong

maunawaan ang kahalagahan ng paglikom ng pondo ng pamahalaan at upang

matustusan ang mga programa at proyektong pangkaunlaran nito.

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay nakapagpapaliwanag sa

mga layunin ng patakarang piskal, nakapagpapahalaga sa papel na ginagampanan ng

pamahalaan kaugnay ng mga patakarang piskal na ipinapatupad nito, nakapagsusuri ng

badyet at ang kalakaran ng paggasta ng pamahalaan, nakababalikat ng pananagutan

bilang mamamayan sa wastong pagbabayad ng buwis, at naiuugnay ang mga epekto

ng patakarang piskal sa katatagan ng pambansang ekonomiya.

DEPED

ARALIN 5

COPY

ALAMIN

PATAKARANG PISKAL

Ang mga panimulang gawain sa araling ito ay tutuklas sa iyong kaalaman

tungkol sa patakarang piskal ng bansa at kung paano mo maaaring gamitin ang

iyong personal na karanasan o kaalaman bilang batayan sa pagsagot sa mga

gawain. Halina at simulan natin ang Alamin.

Gawain 1: LARAWAN-SURI

Suriin ang mga larawan sa susunod na pahina at sagutin ang mga pamprosesong

tanong.

286

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!