11.03.2017 Views

ekonomikslmyunit3-150509141302-lva1-app6892

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Paggasta ng Pamahalaan ayon sa Expenditure Program

Hindi maisasakatuparan ng pamahalaan ang napakarami nitong tungkulin kung

walang perang gagastusin. Upang lubos na maipagkaloob ng pamahalaan ang mga

programa at proyektong makatutulong sa lahat, kinakailangang maayos na maipamahagi

ang perang gagastusin sa mahahalagang aspekto ng pamamahala.

Ipinapakita sa talahanayan sa ibaba ang expenditure program ng pamahalaan

mula 2010 hanggang 2012. Ang expenditure program ay tumutukoy sa ceiling o

pinakamataas na gastusing nararapat upang matugunan ang mga pananagutan o

obligasyon ng pamamahala sa loob ng isang taon. Ang nasabing ceiling ay suportado

ng mga tinatayang pinagkukunang pinansiyal. Nahahati ito sa tatlo:

1. Current Operating Expenditures - nakalaang halaga para sa pagbili ng

mga produkto at serbisyo upang maayos na maisagawa ang mga gawaing

pampamahalaan sa loob ng isang taon. Kabilang dito ang Personal

Services at ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE).

Sa Personal Services nakapaloob ang mga kabayaran para sa sahod,

suweldo at iba pang mga compensation gaya ng mga dagdag sahod at cost

of living allowance ng mga permanente, pansamantala, kontraktuwal at

casual na empleyado ng gobyerno. Samantala, ang mga gastusin kaugnay

DEPED

ng pagpapatakbo ng mga ahensiya

COPY

ng gobyerno gaya ng supplies, mga

kagamitan, transportasyon, utilities (tubig at koryente), kumpunihin, at iba

pa ay nakapaloob sa MOOE.

2. Capital Outlays - panustos para sa pagbili ng mga produkto at serbisyo

kung saan ang kapakinabangang makukuha mula rito ay maaaring magamit

sa loob ng maraming taon at maaaring makadagdag sa mga asset ng

gobyerno. Kabilang dito ang mga pamumuhunan sa capital stock ng mga

GOCCs at mga subsidiyaryo nito.

3. Net Lending - paunang bayad ng gobyerno para sa mga utang nito.

Kabilang dito ang mga utang na nalikom mula sa mga programang kaugnay

ng mga korporasyong pagmamay- ari ng gobyerno.

Makikita mula sa talahanayan sa ibaba ang mga naging gastos ng pamahalaan

ayon sa expense class. Mula 2010 tungong 2012, ang lahat ng aspekto ay nagpapakita

ng papataas na paggasta upang matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng

mamamayan at ng buong bansa. Makikita rin ang positibong pagtugon ng pamahalaan

sa mga obligasyon nito tulad ng pagbabayad sa mga utang nito.

294

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!