12.07.2015 Views

Front Matter 21 Oct. 08 - Family Radio Worldwide

Front Matter 21 Oct. 08 - Family Radio Worldwide

Front Matter 21 Oct. 08 - Family Radio Worldwide

SHOW MORE
SHOW LESS
  • No tags were found...

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

silang nagkasala, at kaya nga, hahatulan sa walang-hanggang walang katapusang sakitat paghihirap sa lugar na tinatawag na impiyerno”. Ang mga naniniwala sa kinaugaliangkalagayan ay hindi aaminin ito, subali’t upang maging matatag sa kanilang pagkakaunawasa paghatol, ay nangangahulugan rin ito na sapagka’t tayo ay ipinaglihi at ipinanganaksa kasalanan (Mga Awit 51:5), ang bawa’t hindi hinirang na sanggol na ipinalaglag, atbawa’t sanggol na namatay, at bawa’t batang hindi hinirang na namatay, ay kailanganring sumailalim sa ganitong nakasisindak na pamamaraan ng paghatol.Ang nakasisindak na ginawa ng taong kinaugaliang ideya ng pamamaraan ngpaghatol ng Dios ay nasa labis na pagtanggi sa batas ng Dios. Ang ideya ay binalak namay kaunti o walang pagkakaunawa na ang buong Biblia, na Salita ng Dios, kaya nga ayang batas ng Dios. Nang mabisa, ang mga pahayag katulad ng “ang kabayaran ngkasalanan ay kamatayan:, at “sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walangpagsalang mamamatay ka”, ay tinitingnan na mga tagubilin mula sa bibig ng Dios,kaysa bilang talagang batas ng Dios.Lubhang mahalaga na maunawaan nating ang Salita ng Dios ay ganap nainiuugnay kay Cristo Mismo. Ang Dios ay nagsasabi, “At nagkatawang-tao ang Verbo,at tumahan sa gitna natin” (Juan 1:14a). Ang Salita ng Dios ay lubos namakapangyarihan na tulad ni Cristo Mismo. Ang Hebreo 4:12-13 ay nagpapahayag:Sapagka’t ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alinmang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalayng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilalang mga pagiisip, at mga haka ng puso. At walang anomang nilalang na hindinahahayag sa kaniyang paningin: nguni’t ang lahat ng mga bagay ay hubadat hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan.Kaya, nang sinabi ng Dios kay Adam na sa araw na ikaw ay kumain saipinagbabawal na punong-kahoy siya ay mamamatay, ang Dios ay nagpapahayag ngKanyang batas kay Adam. Ang batas na iyan ay may lubos na kapangyarihan ni CristoMismo kay Adam, kaya nang si Adam ay sumuway sa batas na iyan, si Adam ay kaagadhinatulan ng batas ng kamatayan.Nang wasakin ng Dios ang Sodoma at Gomorra at ang mundo sa araw ni Noe,ang mga taong iyon ay hindi kinakailangang humarap muna kay Cristo bilang Hukomupang sila ay mahatulan ng kamatayan. Nilabag nila ang batas ng Dios, at sa bawa’tpagkakataong sila ay nagkasala, ang batas ng Dios ay muli silang hinatulan ng kamatayan.Sa katunayan, sa sandaling mamatay ang sinumang hindi naligtas na tao, sakabila ng kung paano siya namatay, talagang ito ang sandaling siya ay binitay bilangkabayaran sa kanyang mga kasalanan. Dahil ang kinaugaliang turo ng planong paghatolng Dios ay hindi isinaalang-alang na ang buong BIblia ay ang batas ng Dios, na angbawa’t salita ay gaya ng kapangyarihan ni Cristo Mismo, ito ay plano ng paghatol nabinalak sa isipan ng tao. Sapagka’t plano ng Dios na itago ang maraming katotohanantungkol sa panahon at kahatulan upang sila ay hindi mahayag sa sangkatauhan hanggangsa talagang napakalapit sa katapusan ng panahon, ang Biblia ay isinulat sa talagangmasalimuot at nakalilitong salita. Balak ng Dios na walang sinuman ang makakaunawasa lahat ng itinuturo ng Biblia tungkol sa panahon at kahatulan hanggang sa ating panahon.Plano ng Dios na ang mga mahalagang katotohanan ay hindi mauunawaan hanggang saang mundo ay malapit na sa katapusan ng panahon. Sa ganyang paraan, ay pinahintulutanng Dios ang hindi tamang pinagkaugaliang pagkakaunawa sa pamamaraan ng paghatol10

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!