12.07.2015 Views

Front Matter 21 Oct. 08 - Family Radio Worldwide

Front Matter 21 Oct. 08 - Family Radio Worldwide

Front Matter 21 Oct. 08 - Family Radio Worldwide

SHOW MORE
SHOW LESS
  • No tags were found...

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Jesus ay nabuhay. Talagang may sapat na kaalaman siya sa Biblia sa kanyang panahon(ang Matandang Tipan), upang malaman na mayroon si Jesus ng lahat ng mgakinakailangan upang maging Mesias. Bilang mataas na saserdote, si Caifas ay maaaringalam ang Mga Awit 16:10, na kung saan ay basahin natin:Sapagka’t hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol; Ni hindi mo mantitiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan.Tingnan rin ang Mateo 27:62-66, Mateo 28:11-15, at Daniel 7:13-14.Maraming bagay na hindi kapani-paniwala ang nangyari sa panahon ng krus,mga bagay na hindi kapani-paniwala na iniugnay sa hula sa Biblia. Si Caifas, ang mataasna saserdote, ay talagang may-kaalaman sa mga hula sa Matandang Tipan na iniuugnaysa darating na Mesias, at kaya, dapat ay nakita niya iyan, na sa katunayan, si Jesus ay siCristo na darating bilang kataas-taasang Tagapamahala ng mundo at tatapusin ang buongpamamaraan ng paghatol.Pagbabalik ngayon sa hula na si Jesus ay makikita ng bawa’t mata, ay malalamannating dahil sa lubhang malaking mga pangyayari ng pag-akyat sa langit ng mga tunayna mananampalataya, at ang mga pangyayari na naging dahilan upang mabuksan anglahat ng mga libingan, ang bawa’t tao ay malalamang si Cristo ay dumating na. Siya aypaparito upang tapusin ang kaligtasan ng mga mananampalataya at Siya ay paparitoupang tapusin ang pamamaraan ng paghatol sa mga hindi naligtas.Dahil sa labis na kahalagahan sa araw ng pag-akyat sa langit ng mga tunay namananampalataya, ay susuriin natin ngayon ang dalawang iba pang mga banggit nabumabanggit sa bawa’t isang makakakita sa pagdating ni Jesus. Susuriin natin angMateo 24:27-31, na kung saan ay basahin natin:Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggangsa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Saan mannaroon ang bangkay, ay doon mangagkakatipon ang mga uwak. Datapuwa’tkarakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon aymagdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyangliwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatalang mga kapangyarihan sa mga langit: At kung magkagayo’y lilitaw angtanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy anglahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao nanapaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan atdakilang kaluwalhatian. At susuguin ang kaniyang mga anghel na maymatinding pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mulasa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sakabila.Ang mga bersikulong ito ay maliwanag na nagtuturong ang pagparito ni Cristoay laganap sa buong mundo. Iyan ay, ang pagpapatunay na Siya ay dumating na aymakikita kahit saan sa mundo. Ang katotohanang ang mga angkan sa mundo aynagdadalamhati (bersikulo 30) ay kapareho sa mga pariralang katulad ng “tumatangis atnagngangalit ang mga ngipin” na makikita natin sa ibang dako sa Biblia. Sa katunayan,ang lahat ng salita sa mga bersikulong ito ay iniuugnay lahat-lahat sa nalaman natintungkol sa araw ng pag-akyat sa langit ng mga tunay na mananampalataya.60

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!