12.07.2015 Views

Front Matter 21 Oct. 08 - Family Radio Worldwide

Front Matter 21 Oct. 08 - Family Radio Worldwide

Front Matter 21 Oct. 08 - Family Radio Worldwide

SHOW MORE
SHOW LESS
  • No tags were found...

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Kabanata IsaAng Hiwaga ng Pagdating sa KatotohananAng paraan na ang bawa’t tao ay nag-iisip at naniniwala ay bunga ng mgaideya na kanyang tinanggap na totoo at mapagtitiwalaan. Ang mga ideyang ito aymaaaring ibinigay sa kanya sa nakaraan o maaaring sila ay mga bagong ideya na ibinigayngayon. Habang ang mga karagdagang ideya ay ibinibigay, sila ay sasalain at susubukansa liwanag ng mga ideya na tinanggap na, na totoo at mapagtitiwalaan.Tiyak na ito ang kalagayan kapag dumating sa pagkakaunawa sa relihiyon. Sasandaling nalaman natin ang isa o ilang ideya sa relihiyon, at sila ay tinanggap natin nakatotohanan, parang imposible na tanggapin ang anumang ideya na katotohanan na hindisumasang-ayon sa mga ideyang tinanggap na natin na katotohanan.Kaya, ang Katoliko Romano na sinanay na mabuti sa pangkaraniwan aymananatiling Katoliko Romano, ang Baptist ay Baptist, ang Buddhist ay Buddhist, atiba pa. Kaya nga ang karamihan ng mga minamahal na tao na mga kasapi sa isangsimbahan ay hindi matatanggap ang ideyang ang Dios ay natapos na sa mga simbahan,at Kanyang inutusan ang mga taong lisanin ang kanilang mga simbahan, at si Satanas ayitinalaga upang mamahala doon, at ang Espiritu Santo ay pinabayaan ang mga simbahankaya walang sinuman na nasa ilalim ng kapangyarihan ng anumang simbahan angmaliligtas.Ang mga taong ito ay tinuruan, at tinanggap bilang katotohanan, na ang kanilangsimbahang lokal ay isang makalangit na samahan, na ang Dios ang naghahari dito, atkaya, ang mga pintuan ng impiyerno kailanman ay hindi mananaig dito. Angpagkakaunawang iyan ay itinago sa kanilang pag-iisip bilang isang hindi maaaringpagtalunang katotohanan. Kaya nga, ang anumang ideyang ibinigay sa kanila mula saBiblia ay sinala at sinubukan sa pamamagitan ng kanilang doktrina, na sigurado silangtotoo.Kapag binigyan sila ng mga bagong ideya mula sa Biblia na nagtuturongdumating na tayo sa katapusan ng panahon ng simbahan, ay wala silang kakayahangsuriin ito ng may anumang katapatan ng layunin. Kahit sila ay handang tumanggap, ngkatotohanan ng Biblia, sa katunayan, sila ay walang kakayahang makarating sa bagongkatotohanan. Kaya nga sa ating panahon, talagang kakaunting tao ang lumalabas ngmga simbahan upang sumunod sa utos ng Dios na umalis sa kanila.Ang kalagayang ito, ay naging lubhang mabigat sa ngayon, dahil sa tatlongtalagang mahalagang dahilan. Sila ay ang mga sumusunod.1. Tayo ay nabubuhay sa mundo na talagang malapit na sa katapusan ngpanahon. At sa panahon ng katapusan, binalak ng Dios na tanggalin angmga kandado na Kanyang inilagay sa napakalaking bilang ng impormasyonsa Biblia. Kaya nga, dapat nating asahang ang napakalaking bilang ngimpormasyon nang una na itinuring nating katotohanan noong una mula saBiblia, ay dapat na pag-aralan na muli.2. Tayo ay nasa panahong tinatawag na malaking kapighatian, nang ang Diosay sinusubukan ang mga nagsasabing mga tunay na mananampalataya. Ang1

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!