12.07.2015 Views

Front Matter 21 Oct. 08 - Family Radio Worldwide

Front Matter 21 Oct. 08 - Family Radio Worldwide

Front Matter 21 Oct. 08 - Family Radio Worldwide

SHOW MORE
SHOW LESS
  • No tags were found...

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Paunang SalitaAng aklat na ito ay karugtong o pagpapatuloy ng aklat na Halos Naroon NaTayo!. Sa aklat na “Halos Naroon Na Tayo!, ay naipakita natin, sa pagpapala ng Dios naang Biblia ay nagtuturo na may lubos na katiyakan na ang simula ng araw ng paghatol,na napataon sa araw ng pag-akyat sa langit ng mga tunay na mananampalataya ay Mayo<strong>21</strong>, 2011. Tiyakang ibinigay ng Dios sa atin ang nakagugulat na impormasyon gaya ngKanyang ipinangako. Sa Eclesiaste 8: 5-6, ang Dios ay nagpahayag:…ang puso ng pantas ay nagbubulay ng panahon at kahatulan;…sa bawa’tpanukala ay may kapanahunan at kahatulan;Sa buong panahon ng simbahan, ay itinago ng Dios ang impormasyon sapanahon, at ang pagkakaunawa sa plano ng paghatol ng Dios, sa buong sangkatauhan,kabilang ang mga simbahan. At karagdagan diyan, ay inilagay ng Dios ang maramingpahayag sa Biblia na nagtuturong si Cristo ay darating na gaya ng magnanakaw sa gabi.Ito ay ginawa upang mapanatiling nakatuon ang mga simbahan sa paghahatid ngEbanghelyo sa mundo (tingnan ang Mga Gawa 1: 6-8).Dahil sa ang impormasyon sa panahon ay mahigpit na kaugnay ng planongpaghatol ng Dios, ang planong paghatol ng Dios sa kabuuan ay naunawaan nang hinditama sa buong 1,955 taon ng panahon ng simbahan. Gayon pa man, ay layunin ng Diosna sa mga huling taon ng pananatili ng mundo, ang mga tunay na mananampalataya aykailangang balaan ang mundo sa talatakdaan ng panahon ng Dios at sa Kanyang balakna pagwasak sa mundong ito. Binigyan Niya ng napakaraming impormasyon ang mgatunay na mananampalataya tungkol sa mga detalye ng panahon ng katapusan ng mundo.Dahil sa mahigpit na pagkakaugnay sa talatakdaan ng panahon ng Dios at ang paghatol,ay Kanyang ibinigay rin ang napakalaking bilang ng detalyadong impormasyon sa mgatunay na mananampalataya tungkol sa Kanyang planong paghatol. Ibinigay ng Diosang impormasyon sa mga tunay na mananampalataya upang sila, tulad nina Noe at Jonas,ay magbabala sa mundo ng namimintong malaking kapahamakang ito.Ang paghahayag sa panahon at paghatol sa katapusan ng mundo ay katibayanng hindi maaarok na pag-ibig at awa ng Dios. Ilang tao kaya ang tatawag ng awa saDios sa masamang bayan ng Ninive, kung ang propetang si Jonas ay basta sinabi sakanilang balang araw, ay lilipulin sila ng Dios ng Israel dahil sa kanilang kasamaan?Ilang tao sa mga simbahan ang tumatawag ng awa sa Dios, sapagka’t itinuro sa kanilangbalang araw, si Cristo ay darating na gaya ng magnanakaw sa gabi?Sa katunayan, ang turo na si Cristo ay darating na gaya ng magnanakaw sa gabiay talagang maginhawang turo. Ang panahon ng simbahan ay nagsimula mahigit sa1,900 taong nakaraan, at si Cristo ay hindi pa dumarating upang tapusin ang pananatiling mundo. Kaya nga, ang mga tao ay maaaring maniwala nang nasa katwiran nanapakaliit ng katiyakan na Siya ay darating sa panahon natin. Maunawaan man nila itoo hindi, ang halos dalawang bilyong tao sa mga simbahan, ay nagkaroon ng pagmamahalsa mundong ito. Maliban sa mga bagay na gaya halimbawa ng digmaan at salot, angv

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!