12.07.2015 Views

Front Matter 21 Oct. 08 - Family Radio Worldwide

Front Matter 21 Oct. 08 - Family Radio Worldwide

Front Matter 21 Oct. 08 - Family Radio Worldwide

SHOW MORE
SHOW LESS
  • No tags were found...

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Colosas 2:15: Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihansila’y mga inilagay niya sa hayag na kahihiyan, na nagtatagumpay siya sakanila sa bagay na ito.Tito 3:1: Ipaalala mo sa kanilang pasakop sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan na mangagmasunurin, na humanda sa bawa’t gawangmabuti.Ang Efeso 6:12 ay ginagamit ang salitang “dakong kaitaasan” sapagka’ttinutukoy nito ang mga kasapi ng simbahan na nagsisikap paglingkuran ang Dios, sabuong panahon ng simbahan, habang nasa kapangyarihan ni Satanas. Sa pagsusuringmuli sa lahat ng mga bersikulong ito talagang malinaw na sa kawalang-hanggangnakalipas, ang Dios ay napaka-sipag sa pagtatatag ng makalangit na mga pamunuan atmga kapangyarihan, na lahat ay bahagi ng buong makalangit na kaharian. Ito ay totoohindi lamang sa nakaraan, kundi magpapatuloy ito sa hinaharap (Efeso 1:<strong>21</strong>).Kapag sinuri natin ang Biblia upang malaman kung ano ang aasahan sa bawatpamunuan, na sa kabuuan ay bumubuo sa buong kaharian ng Dios, ay aasahan natin angmga sumusunod.1. Ang Dios lamang ang kaitaas-taasang Namamahala sa bawa’t isangpamunuan na bahagi ng kaharian ng Dios (Efeso 1:19-23).2. Ang layunin ng bawa’t mamamayan ng kaharian ng Dios ay ang luwalhatiinang Dios.3. Ang kasalanan ay hindi bahagi ng kaharian ng Dios, at kaya nga, ay walangpuwang sa kahariang ito.4. Ang mga mamamayan ng kaharian ng Dios ay hindi mag-aasawa ni silaay ibibigay sa kasal (Mateo 22:30).6. Ang kaharian ng Dios ay walang-hanggang kaharian na kailanman ay hindimawawasak (Daniel 6:26).Na nalaman ang ilang pangunahing simulain na sa pamamagitan ay itinatagang kaharian ng Dios, ay tiningnan natin na may pagkagulat ang kaharian ng Dios nakasalukuyang matatagpuan sa planetang lupa. Lumilitaw na nilalabag nito ang bawa’tkatangian ng kung ano dapat ang pamunuan na pinamamahalaan ng Dios.Nang maingat nating sinuri ang kahariang ito na iniuugnay sa planetang lupa,ay nakita natin na sa pinakamaagang pagsisimula nito, ang maraming di-karaniwangmga bagay ay lumilitaw na parang hindi sumasang-ayon sa ating pangkaraniwanginaasahan na kaharian ng Dios. Una, nang likhain ng Dios ang magandang mundo, ayinilagay Niya sa loob nito ang Halamanan ng Eden. Bakit ito gagawin ng Dios? Isanghalamanan (ang Halamanan ng Eden) sa mundo na ganap na maganda ay lumilitaw nanagtuturo sa panahon nang ang kaharian ng Dios (kinakatawan sa pamamagitan ngHalamanan ng Eden), ay nasa isang uri ng makasalanang mundo.Sa pangalawa, bakit nilikha ng Dios ang mundong ito na kinakailangan angpagpapakasal at ibinibigay sa kasal? Ito ay magdadala sa pagdami ng lahi ng tao, kaya63

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!