12.07.2015 Views

Front Matter 21 Oct. 08 - Family Radio Worldwide

Front Matter 21 Oct. 08 - Family Radio Worldwide

Front Matter 21 Oct. 08 - Family Radio Worldwide

SHOW MORE
SHOW LESS
  • No tags were found...

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Upang ang hangin at ang alon ay sumunod sa utos ni Jesus, ay kinakailangangsila ay gising upang marinig ang Kanyang tinig. Gayon din naman, ang mga patay nabuto at ang mga labi ng hindi naligtas ay maaaring gisingin upang marinig ang tinig ngDios kahit na hindi tunay na buhay. Iyan ang mangyayari kapag inilabas ng Dios angmga labi ng mga patay na hindi naligtas sa libingan sa oras na magsimula ang araw ngpaghuhukom. Ang mga labi ay magiging kalat o mabahong dumi sa lupa.Dapat nating malaman kung paanong isinulat nang maingat ng Dios ang tatlongbersikulo na binabangggit ang pagbuhay o ang pagkabuhay na muli ng patay. Sa MgaGawa 24:15 ang Dios ay nagpapahayag na mabubuhay na muli ang hindi ganap. Ito aylumilitaw na nagpapahiwatig na ang pagkabuhay na muli ng hindi naligtas ay katulad sapagkabuhay na muli ng mga mananampalataya. Gayon pa man, sa Juan 5:29 ang Diosay nagtakda na ang hindi naligtas ay binuhay na muli sa pagkakasumpa. Ang salitang“pagkakasumpa” ay ipinapakahulugan ang isang aspekto ng kaparusahang tinanggapng hindi naligtas para sa kanilang mga kasalanan. Anong bahagi ng kaparusahan angnasa isip ng Dios?Ang ikatlong bersikulo, Daniel 12:2, ay nagsasabi sa atin kung ano ang nasaisip ng Dios. Ito ay pagkabuhay na muli sa pagkahiya at paghamak. Ito ay magaganapkapag ang kanilang mga katawan at mga buto ay magigising mula sa mga libingan atitatapon sa lupa, kaya sila ay mapapahiya sa mga nabubuhay pa rin sa simula ng araw ngpaghuhukom, at sa Dios, at sa mga pamunuan sa langit. Ang nakalulungkot na pangyayariay inilarawan sa Jeremias 7:33 hanggang 8:2, na kung saan ay basahin natin:At ang mga bangkay ng bayang ito ay magiging pinakapagkain sa mgaibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa; at walang bubugaw sa mgayaon. Kung magkagayo’y aking ipatitigil sa mga bayan ng Juda, at sa mgalansangan ng Jerusalem, ang tinig ng kalayawan at ang tinig ng kasayahan,ang tinig ng kasintahang lalake at ang tinig ng kasintahang babae: sapagka’tang lupain ay masisira. Sa panahong iyon, sabi ng Panginoon, ay ilalabasnila ang mga buto ng mga hari sa Juda, at ang mga buto ng kaniyang mgaprinsipe, at ang mga buto ng mga saserdote, at ang mga buto ng mga propeta,at ang mga buto ng mga nananahan sa Jerusalem, mula sa kanilang mgalibingan; at kanilang ikakalat sa liwanag ng araw, at ng buwan, at ng lahatna natatanaw sa langit na kanilang inibig, at kanilang pinaglingkuran, atsiya nilang sinundan, at siyang kanilang hinanap, at siyang kanilangsinamba: hindi mangapipisan, o mangalilibing man, sila’ymagigingpinakasukal sa ibabaw ng lupa.Sa Nahum 3:5-6, ang Dios ay nagsasabi:Narito, ako’y laban sa iyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking ilililisang iyong laylayan sa harap mo; at aking ipakikita sa mga bansa ang iyongkahubaran, at sa mga kaharian ang iyong kahihiyan. At aking ihahagis saiyo ang kasuklamsuklam na karumihan, at gagawin kitang hamak, atilalagay kitang pinakakutya.Ang Mga Mananampalataya Na Hahatulan Ang Hindi NaligtasSa pagsisimula ng Araw ng Paghuhukom, Mayo <strong>21</strong>,2011, kapag ang mga patayna katawan ng mga taga Nineve ay makikitang aagawin (iaakyat sa langit) sa mga ulap50

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!