04.07.2014 Views

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Mga patnubay para sa mga NGO (Hindi-Pampamahalaang mga Organisasyon)

Nakikipagtulungan sa mga taong sumailalim sa trafficking

Mga alituntunin sa ligtas at etikal na pakikipagtulungan sa mga

taong sumailalim sa trafficking

1. Unawain at protektahan ang mga karapatan ng mga taong sumailalim

sa trafficking

1.1. Unawain ang mga karapatan ng mga taong sumailalim sa trafficking

Ang mga taong sumailalim sa trafficking ay mga biktima ng mga pang-aabuso sa mga karapatang pantao at

mga biktima ng krimen. Ang Inirerekumendang mga Prinsipyo at Alituntunin ng United Nations ukol sa

mga Karapatang Pantao at Trafficking ng mga Tao (United Nations Recommended Principles and

Guidelines on Human Rights and Human Trafficking) ay nagbibigay ng gabay sa pagprotekta sa mga

karapatan ng mga taong sumailalim sa trafficking. Ang Deklarasyon ng United Nations ukol sa

Pangunahing mga Prinsipyo ng Hustisya para sa mga Biktima ng Krimen at Pang-aabuso ng

Kapangyarihan (United Nations Declaration of Basic Principles of Justice for Victims of Crime and

Abuse of Power) ay nagtatakda ng pinakamababang mga pamantayan ng pagtrato sa mga biktima ng

krimen.

Bilang mga biktima ng krimen, ang mga taong sumailalim sa trafficking ay maaaring magkaroon ng mga

karapatang pambatas at mga dapat matanggap sa ilalim ng batas ng Australia. Ang trafficking, pang-aalipin,

sekswal na pagkaalipin, mapanlinlang na pagrerekluta para sa sekswal na mga serbisyo at pagkaalipin sa

utang ay mga kriminal na mga pagkakasala sa ilalim ng Criminal Code Act 1995 (Cth) (ang Criminal Code ng

Komonwelt). Sa ilalim ng Migration Act 1958 (Cth), isang pagkakasala para sa isang tagapag-empleyo ang

sinadya o di-maingat na pagpayag sa isang hindi-mamamayang walang karapatang magtrabaho na

magtrabaho o magsagguni sa mga ito para sa trabaho. Isang malubhang paglabag kung gagawin ito sa mga

kalagayang ang manggagawa ay pinagsasamantalahan.

Ang isang taong sumailalim sa trafficking ay maaaring gumawa ng reklamo sa ilalim ng Fair Work Act 2009

(Cth) o may-kaugnayang mga batas ng Estado o Teritoryo. Ang isang taong sumailalim sa trafficking ay

maaaring maging karapat-dapat para sa panukalang bayad-pinsala na naaayon sa batas ng Estado o

Teritoryo o maaaring gumawa ng isang sibil na paghahabol para sa mga pinsala.

1.2. Unawain ang Balangkas sa Visa na may kaugnayan sa Pangangalakal ng mga

Tao (People Trafficking) (People Trafficking Visa Framework)

Ang People Trafficking Visa Framework ay itinatag ng Pederal na Pamahalaan noong unang araw ng Enero

2004, at inamyendahan noong unang araw ng Hulyo 2009. Ang mga visa sa ilalim ng Framework ay

maaaring makuha ng sinumang taong natukoy ng pulis bilang isang pinaghihinalaang biktima ng trafficking,

anuman ang industriyang pinaratangang kasangkot sa nasabing trafficking.

Ang mga pinaghihinalaang biktima ng trafficking na walang hawak na may-katibayang visa kapag natukoy ay

maaaring mabigyan ng Bridging visa F na may bisa sa loob ng 45 araw. Kung ang Bridging visa F ay

naipagkaloob na, ang karagdagang Bridging visa F ay maaari pa ring ipagkaloob para sa karagdagang 45

araw kung ang isang tao ay gustong tumulong sa pulis ngunit hindi makayang gawin ito, hal. dahil sa

trauma.

Sa katapusan ng panahon ng Bridging visa F, ang isang taong sumailalim sa trafficking na tumutulong sa

pulis sa isang pagsisiyasat, na dapat sana ay walang legal na batayan upang manatili sa Australia, ay

maaaring maging karapat-dapat para sa isang Criminal Justice Stay visa sa ilalim ng People Trafficking Visa

Framework, na gayun din sa kanilang pinakamalapit na mga miyembro ng pamilya sa Australia.

Ang isang taong sumailalim sa trafficking na nag-ambag at nakipagtulungan nang husto sa isang

pagsisiyasat o pag-uusig ng pinaratangang may sala ng trafficking ay maaaring maging karapat-dapat para

sa Witness Protection (Trafficking) visa kung sila ay malalagay sa panganib kapag babalik sa kanilang

sariling bansa. Ang kanilang pinakamalapit na mga miyembro ng pamilya sa Australia at sa ibayong dagat ay

maaari ring maging karapat-dapat para sa visa na ito.

Bilang karagdagan sa People Trafficking Visa Framework, ang taong sumailalim sa trafficking ay maaaring

maging karapat-dapat para sa iba pang mga visa. Gaya halimbawa, ang isang taong sumailalim sa

8

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!