People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...
People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...
People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...
Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
Mga patnubay para sa mga NGO (Hindi-Pampamahalaang mga Organisasyon)

Nakikipagtulungan sa mga taong sumailalim sa trafficking

ang taong sumailalim sa trafficking ang kanilang anak, o ang isang manggagawa ng NGO. Ito ay maaaring

ikaw. Sa isang sitwasyon ng krisis, hindi mo kailangang kunin ang may -kaalamang pahintulot ng isang tao

upang tawagan ang 000. Maaaring maganap ang mga sitwasyon ng krisis kung:

ang isang tao ay nanganganib na magkaroon ng pisikal na pinsala

ang mga bata ay nanganganib

ang isang tao ay nakadarama ng pagpapatiwakal, o

ang isang tao ay nangangailangan ng kagyat na pagpapatingin sa doktor

2.2. Huwag ilagay sa panganib ang kaligtasan ng isang tao

Ang NGO ay dapat lamang magbunyag ng impormasyon sa publiko tungkol sa taong sumailalim sa

trafficking kung mayroong may-kaalamang pahintulot ng taong iyon. Tingnan ang Protektahan ang

pagkapribado at pagiging kompidensyal sa 5.

3. Makipagkasundo para sa may-kaalamang pahintulot

Upang magsagawa ng pakikipanayam sa isang taong sumailalim sa trafficking o kumilos sa ngalan ng taong

iyon, kailangan mo ng may-kaalamang pahintulot ng taong iyon. Ang may-kaalamang pahintulot ay kapag

ang isang tao ay malayang sumasang-ayon sa isang paraan ng pagkilos (na maaaring kabilang ang hindi

paggawa ng anumang pagkilos) pagkatapos matanggap at isaalang-alang ang lahat ng mga katotohanan at

impormasyon na kailangan nila upang makagawa ng desisyon.

Upang makagawa ng may-kaalamang desisyon ang mga tao ay kailangang tumanggap ng malinaw, walang

pinapanigan, wastong impormasyon tungkol sa kanilang mga karapatan at mga mapagpipilian sa isang

paraang maaari nilang maintindihan. Maaaring kabilang dito ang paggamit ng mga interpreter o babasahing

isinalin sa wikang gusto ng tao.

Huwag pilitin ang isang tao na gumawa kaagad ng mga desisyon. Isaalang-alang ang pagbibigay ng

tinatawag na 'cooling off period' upang hayaan ang isang tao na isaalang-alang ang impormasyong kanilang

natanggap. Tingnan ang Magbigay ng mga Serbisyong Naaangkop sa Kultura sa 6.

3.1. Magbigay ng lahat na may-kaugnayang impormasyon

Kung naniniwala ka na ang isang tao ay maaaring sumailalim sa trafficking, bigyan ang taong iyon ng

impormasyon tungkol sa kanilang mga karapatan at mga mapagpipilian sa lalong madaling panahon. Tiyakin

na ang impormasyong ito ay:

tumpak at napapanahon

kinabibilangan ng impormasyon tungkol sa parehong mga serbisyong pangkomunidad at

pampamahalaan, at

naaangkop sa kultura at lengguwahe.

Tiyakin na ang tao ay komportable sa pagtatanong para sa karagdagang impormasyon. Sagutin ang mga

tanong sa lalong madaling panahon.

Ang isang NGO ay hindi magkakaroon ng lahat ng mga kagamitan at kasanayan upang matugunan ang

lahat ng pangangailangan ng isang taong sumailalim sa trafficking. Ito ang dahilan kung bakit kailangan

mong malaman kung paano gumawa ng naaangkop na mga pangsasagguni. Isangguni lamang ang isang

tao sa ibang serbisyo kung mayroong may-kaalamang pahintulot mula sa kanila. Tingnan ang Gabay sa

Pagsasangguni sa pahina 35, Magbigay ng Naaangkop na Impormasyong Pangsasangguni sa 4, Magbigay

ng mga Serbisyong Naaangkop sa Kultura sa 6.

12