04.07.2014 Views

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Mga patnubay para sa mga NGO (Hindi-Pampamahalaang mga Organisasyon)

Nakikipagtulungan sa mga taong sumailalim sa trafficking

Paunang-Salita

Ang trafficking sa mga tao ay isang kumplikado, lihim at kasuklam-suklam na krimeng sumisira sa buhay ng

mga kalalakihan, mga kababaihan at bata sa buong mundo. Ganoon kalaki at kalawak ang krimeng ito na

hindi ito makakayanang masugpo ng pamahalaan nang nag-iisa.

Ang Pamahalaang Australia ay nakikipagtulungan sa iba pang mga pamahalaan, sa loob ng bansa at sa

buong daigdig kasama ang mga organisasyong pandaigdig at pangrehiyon, at lipunang sibil upang

mahadlangan ang trafficking, siyasatin at usigin ang mga may-sala, at suportahan at protektahan ang mga

biktima.

Ang di-pampamahalaang mga organisasyon (NGO) ay mahalaga sa pakikipaglaban ng Australia sa

trafficking at gumaganap ng lalo pang mahalagang tungkulin sa pagtulong sa mga biktima.

Ang Mga Alituntunin para sa mga NGO na Nakikipagtulungan sa mga Taong naging Biktima ng Trafficking

ay binuo ng Grupong Nagtatrabaho (Working Group) na itinatag sa unang pagpupulong ng Pambansang

Talakayan ukol sa Pangangalakal ng mga Tao (PeopleTrafficking) (National Roundtable on People

Trafficking) noong taong 2008 at inilathala sa huling bahagi ng taong iyon.

Pinaunlad ng mga NGO para sa mga NGO, ang mga Alituntunin ay isang mahalagang rekurso para sa

anumang organisasyon, maging ang mga ito ay isang NGO na matagal nang itinatag sa lugar na ito, o isang

nagtatrabaho kasama ang mga taong dumanas ng trafficking sa unang pagkakataon.

Itinataguyod ng mga Alituntunin ang pinakamahusay na mga kapakanan ng mga biktima ng trafficking

kabilang ang kahalagahan ng may-kaalamang pahintulot, proteksyon sa pagiging pribado at mga serbisyong

naaangkop sa kultura. Nagbibigay sila ng payo ng dapat gawin sa mga NGO na humaharap sa mga biktima

ng lahat ng uri ng trafficking, kabilang ang mga sekswal na pang-aalipin at pagsasamantala sa trabaho.

Upang mapadali ang mahalagang gawaing ito, ang mga Alituntunin ay isasalin sa wikang Tsino, Koreano,

Tagalog, Tamil, Thai at Biyetnames.

Binabago ng edisyong ito ang mga Alituntunin upang maipakita ang mahalagang mga reporma sa

proteksyon ng biktima at ang balangkas ng trafficking visa na ipinakilala ng Pamahalaang Australia noong

taong 2009, at maipakita ang nagbabagong anyo ng mahusay na dapat gawin sa larangang ito.

Ang pagtulong sa mga biktima para harapin, at upang makabawi mula sa, epekto ng pagiging biktima ng

trafficking ay parehong mapaghamon at mapagkompronta. Pinahahalagahan ng Pamahalaan ang malaking

kadalubhasaan at karanasang ibinibigay ng mga NGO sa gawaing ito. Umaasa ako na ang mga Alituntuning

ito ay patuloy na magbibigay ng praktikal na tulong sa mga NGO at iba pang nagtatrabaho sa ating

komunidad upang suportahan ang mga taong naging biktima ng trafficking. Ako ay partikular na nagagalak

na ipaabot ang aking mga pagbati sa bawat isang kasangkot sa pagbubuo ng mapagkukunan ng mahalaga

at praktikal na impormasyong ito.

Ang mga kopya ng alituntuning ito ay maaaring matagpuan sa website ng Attorney General’s Department:

www.ag.gov.au/peopletrafficking.

Ang Kgg. Brendan O’Connor MP

Ministro para sa Ugnayang Panloob at Hustisya (Minister for Home Affairs and Justice)

2

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!