04.07.2014 Views

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Mga patnubay para sa mga NGO (Hindi-Pampamahalaang mga Org

Nakikipagtulungan sa mga taong sumailalim sa trafficking

pagduduwal, kahirapan sa paghinga o pamumula. Itigil ang pakikipanayam kung mangyari ang mga

sintomas na ito o kung sa anumang dahilan hindi na ligtas na ipagpatuloy ito.

Huwag magsagawa ng maramihang mga panayam maliban kung ganap na kinakailangan. Palaging ituring

na seryoso ang pagtatasa ng isang taong sumailalim sa trafficking para sa kanilang sariling kaligtasan. Kung

ang isang tao ay nasa panganib, tumawag sa 000 kaagad.

Ang nakasulat na mga tala ng panayam ay maaaring maging saklaw ng subpena.

Siguraduhin na itatala mo lamang ang impormasyon nang mayroong may kaalamang

pahintulot ng taong sumailalim sa trafficking at kung kinakailangan ang pagtatala ng

impormasyon. Tingnan ang Protektahan ang Pagiging Pribado at Kompidensiyal sa 5; Alamin kung paano

tumugon sa mga subpena at kahilingan para sa impormasyon sa 8.

Basahin ang karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano gumawa ng naaangkop na mga

pagsasangguni sa 4. Ang mga detalye ng pagkontak sa mga serbisyo ng NGO, kabilang ang mga

organisasyon ng mga manggagawa sa industriya ng sex, mga serbisyong pang-akomodasyon at kanlungan

at mga ahensya ng Pamahalaan ay nakalista sa Gabay Pangsasangguni. Ang batas ng Australia ay

maaaring ma-access sa www.austlii.edu.au. Ang tiyak na impormasyon tungkol sa batas kaugnay sa

industriya ng sex sa bawat Estado at Teritoryo ay maaaring makuha mula sa

www.scarletalliance.org.au/laws.

Pagsasagawa ng pakikipanayam – isang halimbawa

Sinabi sa iyo ng isang tao na sinabihan sila na may utang sa kanilang lugar pantrabaho. Sumang-ayon ang

tao na may utang siya, ngunit ang halaga ng utang ay nadagdagan nang walang pag-sang-ayon ng tao. Ang

tao ay naniniwala na nakabayad na sila sa utang. Nais nilang malaman kung ano ang maaari nilang gawin.

Isaalang-alang ang

Nadarama ba ng tao na nanganganib ang kanilang kaligtasan?

Ano ang eksaktong nais ng tao na gawin mo? Maaari mo bang ibigay ang mga bagay na hinihiling nila?

Nais ba ng tao na ipagpatuloy ang pagtatrabaho sa lugar pantrabaho?

Kailangan ba ng tao ng impormasyon tungkol sa kanilang visa at/o katayuang pang-imigrasyon.

Kailangan ba ng tao ng pagsangguni sa isang organisasyong pansuporta laban sa trafficking?

Kailangan ba ng tao ng pagsangguni sa embahada ng kanilang bansa?

Kailangan ba ng tao ng pagsangguni sa unyong pangkalakalan o ibang pang samahan ng mga

manggagawa?

Nais ba ng tao na maging kasangkot ang pulis?

Alam ba ng tao ang kanilang mga karapatan bilang empleyado dito sa Australia?

Naiintindihan ba ng tao na sila ay biktima ng isang krimen?

Kung ang tao ay natukoy bilang isang pinaghihinalaang biktima ng trafficking, maaari silang maging karapatdapat

para sa isang visa at suportang pangbiktima nang hindi

bababa sa 45 araw. Tingnan ang Unawain ang Programang Pansuporta para sa mga Biktima ng

Pangangalakal ng mga Tao (People Trafficking) sa 1.3. Maaari nilang

naising magbigay ng impormasyon sa pulisya ngunit maaaring hindi nanaising

magbigay ng isang pormal na pahayag o maging bahagi ng pagsisiyasat o pag-uusig. Kung ito ang kaso,

maaari pa rin silang maging karapat-dapat para sa paunang

panahon ng suportang pangbiktima.

15

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!