People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...
People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...
People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...
You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
Mga patnubay para sa mga NGO (Hindi-Pampamahalaang mga Organisasyon)

Nakikipagtulungan sa mga taong sumailalim sa trafficking

3.4. Maingat at magalang na isagawa ang isang pakikipanayam

Palaging sabihin sa taong kinakapanayam:

ang nilalaman ng panayam ay magiging pribado (ngunit tandaan ang posibilidad ng isang subpena, na

tinalakay sa ibaba)

ang panayam ay maaaring ihinto o itigil sandali sa anumang oras, at

kung kailan magbibigay ng payo tungkol sa mga serbisyo na maaaring makatulong.

Ang ilan sa mga sumusunod na katanungan ay maaaring makatulong sa mga NGO na magpasya kung ang

isang tao ay maaaring isang biktima ng trafficking at upang matukoy ang mga serbisyong makatutulong sa

taong iyon.

Paano mo ginawa ang mga kaayusan sa paglalakbay sa Australia?

Tinulungan ka ba ng isang ahente?

Magastos ba para sa iyo ang pagpunta sa Australia?

Maaari mo bang sabihin sa akin ang tungkol sa pasaporteng ginamit mo?

Ikaw ba mismo ang kumuha ng iyong visa? Kung hindi, paano mo nakuha ang iyong visa?

Nasa iyo ba ang passport mo ngayon?

Ano sa iyong palagay ang gagawin mo sa pagpunta sa Australia?

Magkano sa iyong palagay ang halaga ng perang ibabayad sa iyo sa Australia?

Mayroon ka bang utang o kontrata? Kung gayon, ano ang mga napag-usapan?

Nagkaroon ba ng pagbabago sa mga napag-usapan matapos na ikaw ay dumating sa Australia?

Ano ang iyong mga ginagawa simula nang dumating sa Australia?

Gaano katagal pagkarating mo sa Australia nang nagsimula kang magtrabaho?

Maaari ka bang umalis sa trabaho kung nais mo?

Binantaan ka ba o sinaktan kahit kailan?

Ano ang katayuan ng iyong mga kondisyon sa trabaho at pamumuhay?

Kailangan mo bang humingi ng permiso bago lumabas?

Kahit kailan ba ay naisip mo na kailangan mong magpatingin sa doktor?

Kung oo, nagawa mo bang magpatingin sa doktor?

Mayroon bang sinumang nagbanta sa iyong pamilya kahit kailan?

Ano ang nais mong gawin ngayon?

Huwag itanong ang bawat katanungan sa listahang ito. Magtanong lamang sa batayang 'kailangang

malaman'; mangolekta lamang ng mga impormasyong kailangan mo upang makapagbigay ng iyong mga

serbisyo sa tao (halimbawa, kung kailangan mong malaman ang kasagutan upang magkapagbigay ng mga

serbisyo sa tao o makagawa ng naaangkop na pagsasangguni. Upang mabawasan ang panganib na muling

malantad sa trauma ang isang taong sumailalim sa trafficking sa panahon ng isang pakikipanayam dapat

mong:

isagawa ang panayam sa isang paraang naaangkop sa kultura

isagawa ang panayam sa isang ligtas na lugar kung saan ang tao ay nakadarama ng pagiging

komportable

isama lamang ang mga taong kailangang dumalo – maaaring kabilang dito ang taong nais ng

kinakapanayam na dumalo

iwasan ang paulit-ulit at naghuhusgang mga tanong

hayaang sumagot ang taong kinakapanayam sa kanilang sariling bilis nang hindi nagagambala.

magmasid para sa mga palatandaan ng pagkabalisa tulad ng patuloy na pag-iwas na magkatinginan,

pag-iwas sa tanong, panginginig, pangangatog o pag-iyak, malubhang sakit ng ulo, pagkahilo o

14