04.07.2014 Views

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Mga patnubay para sa mga NGO (Hindi-Pampamahalaang mga Org

Nakikipagtulungan sa mga taong sumailalim sa trafficking

3.2 Isaalang-alang kung kinakailangan ang pakikipanayam

Ang isang pakikipanayam sa isang taong sumailalim sa trafficking ay maaaring makatulong sa NGO na

makakuha ng impormasyong kailangan nila upang matasa kung anong mga serbisyo o mga pagsasangguni

ang makakatulong sa taong iyon. Gayunpaman, ang pagsasagawa ng pakikipanayam ay hindi palaging

kinakailangan. Ang pagsasagawa ng isang pakikipanayam ay maaaring magbunga ng negatibong mga

kahihinatnan, kabilang ang:

muling paglalantad ng indibidwal sa trauma sa pamamagitan ng hindi naaangkop na pagtatanong, at

hindi ligtas na pagtatago ng impormasyon mula sa pakikipanayam o sa bandang huli ay maaaring i-

subpena.

Sa halip, maaari mong isangguni ang tao sa ibang serbisyo nang hindi magsasagawa ng isang

pakikipanayam.

Bago mo hilingin sa isang tao na lumahok sa isang pakikipanayam, isipin ang tungkol sa kung:

ang iyong NGO ay nangangailangan ng karagdagang impormasyon upang matukoy kung ano ang mga

serbisyong iaalok sa tao o upang gumawa ng naaangkop na pagsasangguni

ang iyong NGO ay maaaring magsagawa ng pakikipanayam na naaangkop sa kultura at wika

ang iyong NGO ay may nakalaang mga sistema ng pagiging pribado sa pagtatago ng impormasyon, at

ang isa pang NGO o ahensiya ng pamahalaan ay nagbibigay na ng mga serbisyo sa taong iyon.

3.3 Humingi ng pahintulot upang magsagawa ng pakikipanayam

Ang taong binabalak na kapanayamin ng NGO ay dapat lang ang palaging may huling pagpapasiya kung

magaganap ang panayam. Bago mo hilingin sa isang tao kung nais nilang lumahok sa isang pakikipanayam,

sabihin sa tao:

ang layunin ng panayam

sino ang makakakita ng impormasyon, kung ano ang paggagamitan nito, at kung paano ito itatala at

itatago, at

ang mga panganib ng pakikipagpanayam.

Tiyakin na alam ng tao na ang pagtanggap ng mga serbisyo mula sa iyong NGO ay hindi kondisyon sa

paglahok sa isang pakikipanayam. Ipaliwanag ang mga serbisyong maibibigay ng iyong NGO nang hindi

nagsasagawa ng isang pakikipanayam. Sabihin sa taong ito na karapatan nilang:

magpasiya na hindi makapanayam

wakasan ang pakikipanayam matapos na simulan ito

hilingin na huwag irekord ang panayam

higpitan kung paano gagamitin ang impormasyong nakuha sa panayam, at

hilingin ang isang taong tagasuporta na samahan sila sa panayam.

Minsan ay maaaring kailanganing gumamit ng isang kwalipikadong interpreter upang makipagkasundo para

sa may kaalamang pahintulot mula sa isang tao upang lumahok sa isang pakikipanayam.

Paano ako makikipagkasundo para sa may kaalamang pahintulot?

Sa isang pakikipanayam sa isang bagong kliyente nabubuo sa pananaw mo na ang tao ay maaaring

sumailalim sa trafficking patungong Australia. Sa iyong palagay ay dapat kontakin kaagad ang AFP. Ano ang

dapat mong gawin bago kumontak sa AFP? Magiging iba kaya ang iyong tugon kung natakot ang kliyente

matapos na makita ang isang taong nagbanta ng karahasan laban sa kanila o kung nak ipag-usap sila sa

sinumang tao tungkol sa kanilang mga karanasan? Para sa payo kung ano ang gagawin basahin ang

seksyon 3.3 at 5.3

13

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!