04.07.2014 Views

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Mga patnubay para sa mga NGO (Hindi-Pampamahalaang mga Org

Nakikipagtulungan sa mga taong sumailalim sa trafficking

kasangkot na mga indibidwal – gaya halimbawa 'manggagawa sa industriya ng sex,' 'kinontratang mga

manggagawa sa industriya ng sex,' ' kababaihan' at 'nagtatrabaho.'

7.5 Gumamit ng ligtas at etikal na mga gawi sa pananaliksik

Ang mga NGO ay maaaring gumawa ng pananaliksik para sa ilang mga kadahilanan. Halimbawa, maaaring

nais nilang malaman ang tungkol sa magagamit na mga serbisyo para sa taong sumailalim sa trafficking o

pang-aalipin, o upang maunawaan kung ano ang nangyayari sa kanilang komunidad. Maaaring kasangkot

sa pananaliksik ang harap-harapang mga panayam, mga pagtatanong sa pamamagitan ng telepono, o iba

pang mga pamamaraang maaaring kabilang ang pakikilahok ng iba, tulad ng survey, obserbasyon o

binibigkas na kasaysayan. Ang pananaliksik na may katangiang tulad nito ay nangangailangan ng mahusay

na pangangalaga at pansin upang matiyak na walang panganib ng pinsala sa gumagawa ng pananaliksik at

sa mga pinag-aaralan, at upang matiyak na walang nakapipinsalang kahihinatnan bilang resulta ng

pananaliksik.

Kung ang isang NGO ay nais gumawa ng anumang mga pananaliksik na kinapapalooban ng pagk ontak sa

mga tao, kabilang ang mga biktima ng trafficking, ipinapayo na humingi ng payo mula sa isang iginagalang

na institusyon ng pananaliksik, tulad ng isang unibersidad o ospital, upang matiyak ang mahusay na

pananaliksik at etikal na pagsasanay, o upang isaalang-alang ang pakikipagsamahan sa isang matatag na

grupo ng pananaliksik.

Ang ilang mga paraan ng pananaliksik ay pinakamahusay na isinasagawa sa payo ng isang komiteng

tagapangasiwa at lupong sanggunian. Maaaring kabilang sa pinakamahusay na pamamaraan ang

pagkakaroon ng mga miyembro ng apektadong komunidad (hal. isang taong mula sa loob ng industriya ng

sex o industriya ng konstruksiyon, o mula sa isang kaugnay na asosasyon o unyon, kung naaangkop) sa

komiteng tagapangasiwa o lupong sanggunian upang payuhan ang mga proyekto ng pananaliksik. Ang

ganitong komite o lupon ay maaaring magbigay ng kontribusyon sa pagpapaunlad ng layunin at

pamamaraan ng proyektong pananaliksik, magbalangkas at / o magpayo sa mga pamamaraan ng survey na

kabilang ang mga kwestiyonaryo o mga tanong sa panayam, o maging kasangkot sa pagkolekta ng datos.

Ang ganitong komite o lupon ay maaari ding konsultahin sa pagsusuri ng mga resulta ng proyekto, at pagedit

at pag-apruba ng natapos na ulat ng pananaliksik. Sa anumang kaso ang pinaka-may karanasang mga

mananaliksik ay komukonsulta sa kaugnay na mga komunidad upang matiyak ang pagiging angkop ng

pamamaraan ng pananaliksik at interpretasyon ng mga natuklasan.

Bago simulan ang anumang proyektong pananaliksik, ang NGO ay dapat magsagawa ng pagtatasa ng

panganib upang matiyak na naisaalang-alang ang lahat ng mga posibleng maganap na kahihinatnan.

Maaaring kabilang sa mga panganib sa indibiduwal ang pisikal na mga panganib (tulad ng mga banta ng

pananakit), sikolohikal na mga kahihinatnan (mula sa pag-alaala at pakikinig ng mga kwento ng buhay),

pagkakahiwalay sa lipunan, kahihiyan, at legal na mga panganib (kabilang ang mga nagreresulta sa direkta

o hindi sinasadyang paglalabas ng impormasyon sa mga autoridad). Dapat tiyakin ng mga NGO na

napapangalagaan ang pagiging kompidensiyal, seguridad, kalusugan at kagalingan ng lahat ng mga

indibidwal na kasangkot.

Ang mga panganib ay maaari ring magkaroon ng mas malawak na katangian, tulad ng pagkagambala sa

mga inisyatibang pampublikong pangkalusugan, umiiral na mga proyektong laban sa trafficking o mga

pagsisiyasat ukol sa pagpapatupad ng batas. Ang pananaliksik ay dapat lamang isagawa kung mas

malamang ang mga benepisyo kaysa sa mga panganib. Kung nagpatuloy ang isang proyekto, ang mga

NGO ay dapat na may nakalaang mekanismo na magagamit sa pagharap sa mga panganib, tulad ng

naaangkop na pagsasanay (tingnan ang Bigyan ng pagsasanay ang kawani at mga boluntaryo ng NGO sa

7.2), pag-uulat, pananagutan at kasanayan sa pagsasangguni (tingnan ang Magbigay ng Nararapat na

Impormasyong Pagsasangguni sa 4), pati na rin ang naaangkop na pagtatago ng kompidensyal na materyal

(tingnan ang Itala at itago nang ligtas ang impormasyon sa 5.2).

Maaaring maging kasangkot sa pananaliksik ang nakatagong mga pamamaraan na maaaring mula sa

limitadong pagsisiwalat ng mga layunin o mga paraan ng inoobserbahang pananaliksik sa pampublikong

23

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!