04.07.2014 Views

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Mga patnubay para sa mga NGO (Hindi-Pampamahalaang mga Org

Nakikipagtulungan sa mga taong sumailalim sa trafficking

Talahulugan ng mga salita

Bata

Ang bata ay ang sinumang nasa edad na mababa sa 18 taon. Ang batang biktima ng trafficking ay ang

sinumang nasa edad na mababa sa 18 taon nang ito ay sumailalim sa trafficking.

Bayad-pinsala

Ang isang biktima ng trafficking ay maaaring maging karapat-dapat para sa pinansiyal na bayad-pinsala sa

ilalim ng pondong pangbayad-pinsala na naaayon sa batas na pinondohan ng pamahalaan para sa mga

biktima ng krimen. Ang isang taong sumailalim sa trafficking ay maaari ding humiling ng bayad-pinsala sa

pamamagitan ng sistema ng hukumang sibil para sa pinsalang bunga ng pagkakamaling sibil, tulad ng isang

paglabag sa isang tungkulin ng pangangalaga sa pagpapabaya, maling pagkabilanggo o paglabag sa

kontrata. Ang mga taong sumailalim sa trafficking ay maaari ding maging karapat-dapat para sa tulong mula

sa Tanggapan ng Ombudsman para sa Makatarungang Trabaho.

Katugmang proteksyon

Ang katugmang proteksyon ay tumutukoy sa obligasyon ng Estado na magbigay ng pagkanlong sa isang

taong nangangailangan ng proteksyon sa mga pangyayaring kung saan ang katayuan ng isang tao ay hindi

tumutugon sa pamantayan para sa pagkakaloob ng katayuang pang-refugee na binigyang kahulugan sa

ilalim ng 1951 UN Refugee Convention.

Koda ng Krimen

Kabilang sa Criminal Code Act 1995 (Cth) (ang Criminal Code) ang mga paglabag na trafficking, trafficking

sa mga bata, pang-aalipin, sekswal na pang-aalipin, pagkaalipin sa utang, at mapanlinlang na mga

pagrerekluta para sa seksuwal na mga serbisyo.

Pagkaalipin sa Utang

Tinutukoy sa Kriminal Code ang pagkaalipin sa utang bilang isang katayuan o kondisyon na nanggaling

mula sa isang pangako ng isang tao:

ng kanyang mga personal na serbisyo

o ng personal na mga serbisyo ng ibang tao sa ilalim ng kanyang kontrol

bilang seguridad para sa isang di bayad na utang, o sinasabing pagkakautang, (kabilang ang anumang

utang na natamo, o sinasabing natamo, pagkatapos na ibigay ang pangako), ng taong iyon kung:

ang utang na di bayad o sinasabing pagkakautang ay nakikitang sobra-sobra

ang makatwirang halaga ng mga serbisyong iyon ay hindi inilapat sa paglilikida ng utang o sinasabing

utang, o

ang kahabaan at katangian ng mga serbisyong iyon ay kapwa walang katapusan at kalinawan.

Mapanlinlang na Pagrerekluta para sa mga sekswal na serbisyo

Ayon sa Seksyon 270.7 ng Criminal Code

ang mapanlinlang na mga pagrerekluta para sa seksuwal na pang-aalipin ay isang pagkakasala. Ang

mapanlinlang na pagrerekluta ay nangyayari kung saan ang isang tao, sa balak na akitin ang ibang tao na

pumasok sa isang kasunduan upang magbigay ng sekswal na mga serbisyo, ay nanlilinlang sa ibang tao

tungkol sa:

katotohanan na ang kasunduan ay kasasangkutan ng pagkakaloob ng sekswal na mga serbisyo

katangian ng sekswal na mga serbisyong ipagkakaloob (halimbawa, kung kakailanganin ng mga

serbisyong iyon na ang tao ay pumayag makipag-sex nang walang proteksyon)

33

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!