04.07.2014 Views

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Mga patnubay para sa mga NGO (Hindi-Pampamahalaang mga Organisasyon)

Nakikipagtulungan sa mga taong sumailalim sa trafficking

magpatupad ng isang patakaran para sa pagtatala at pagtatago ng impormasyon tungkol sa mga biktima

ng trafficking at gumawa ng pandisiplinang aksyon bilang tugon sa mga paglabag sa patakarang ito

kumuha ng payong pambatas bago tumugon sa mga pangangailangang magpasa ng mga dokumento -

Tingnan ang Alamin kung paano tumugon sa mga subpena at iba pang mga kahilingan pangimpormasyon

sa 8

alamin ang mga implikasyon ng pagprotekta ng pagkakakilanlan ng biktima

kung saan ang isang kautusan sa pagpigil ay ginawa sa mga paglilitis sa hukuman –

tingnan ang Alamin kung paano Suportahan ang mga Saksi sa mga Paglilitis sa

Hukuman sa 9, at

tiyakin na ang pampublikong mga presentasyon o panayam ay hindi

nagbubunyag ng personal na impormasyon tungkol sa taong sumailalim sa trafficking

nang walang pahintulot ng taong iyon.

Kung nais ng isang biktima ng trafficking na gawing pampubliko ang kanilang

pagkakakilanlan, dapat sabihin sa kanila ng NGO ang tungkol sa mga panganib ng

paggawa nito.

Maaaring mangyari ang mga paglabag sa pagkapribado kung ikaw ay:

gumamit sa isang panayam ng media ng pangalan ng taong sumailalim sa

trafficking

nagpadala, nagtago o naglabas ng impormasyon sa pamamagitan ng hindi ligtas na paraan katulad ng

pagtatapon ng impormasyon sa pangkalahatang basurahan o pagbibigay nito sa isang mamamahayag

naglathala ng mga litrato o video kung saan ibinunyag ang pagkakakilanlan ng

taong sumailalim sa trafficking – kung ang taong sumailalim sa trafficking ay kinunan ng video,

maaaring kailanganin mong itago ang kanilang mukha at kapaligiran

nagbunyag ng impormasyon tungkol sa bansang pinagmulan o kalagayan ng isang partikular na kaso na

nagbibigay-daan upang makilala ang taong sumailalim sa

trafficking o

gumawa ng pampublikong mga pagrerekord ng isang taong sumailalim sa

trafficking – kung ang isang tao ay inirekord, ang pinakamahusay na gawi ay ang pagtatago ng kanilang

boses sa pamamagitan ng paggamit ng mga paraang nakakapagpabago ng boses.

Sa ilalim ng Privacy Act 1988 (Cth) kinakailangang protektahan ng Pamahalaan at

ilang organisasyon sa pribadong sektor ang pagkapribado ng personal na

impormasyon.

Bagamat hindi ipinag-uutos ng batas sa maliliit na mga NGO na sumunod sa Batas sa

Pagkapribado, dapat gawin ng lahat ng mga NGO ang mga sumusunod na hakbang

upang maprotektahan ang personal na impormasyon ng mga tao:

mangolekta lamang ng impormasyong kinakailangan. Kung ang iyong NGO ay maaaring magbigay ng

epektibong serbisyo sa isang indibidwal nang hindi

nagkokolekta ng kanilang personal na impormasyon, kung gayon ay payagan ang

taong iyon na makipag-ugnayan sa iyong NGO nang hindi nagpapakilala at huwag

magtago ng mga talaan ng kanilang personal na impormasyon

huwag magkolekta ng personal na impormasyon tungkol sa isang tao sa dahilan lamang na maaaring

kailanganin ito sa bandang huli. Mangolekta lamang ng impormasyong kailangan mo. Kung kailangan

mo ng karagdagang impormasyon sa bandang huli, kolektahin ito sa panahong iyon

sabihin sa mga tao kung ano ang gagawin mo sa personal na impormasyong kinolekta tungkol sa kanila

gamitin lamang ang personal na impormasyon para sa layunin ng pagkokolekta mo nito

18

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!