People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...
People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...
People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...
Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
Mga patnubay para sa mga NGO (Hindi-Pampamahalaang mga Organisasyon)

Nakikipagtulungan sa mga taong sumailalim sa trafficking

7.3. Magbuo ng mga ugnayan kasama ang iba pang mga tagapagbigay-serbisyo

Ang isang biktima ng trafficking ay maaaring tumatanggap ng mga serbisyo mula sa

kapwa mga ahensya ng pamahalaan at mga organisasyong pangkomunidad. Sa ilang mga kalagayan,

maaaring makatulong na makipag-ugnayan sa iba pang mga NGO at mga ahensya ng Pamahalaan tungkol

sa kaso ng isang indibidwal.

Maaaring kailanganin ng mga NGO na magbuo ng mga ugnayan ng pagsasangguni upang matiyak na ang

bawat taong sumailalim sa trafficking ay may access sa komprehensibo at naaangkop na pangangalagang

pisikal, legal at pangsikolohiya at panlipunan. Gayunpaman, kailangang makuha ang may kaalamang

pahintulot mula sa taong sumailalim sa trafficking upang maibahagi ang kanilang personal na impormasyon

sa iba pang mga organisasyon at ahensya.

Tingnan ang Makipagkasundo para sa may kaalamang Pahintulot sa 3.

7.4. Pakitunguhan nang may etika ang media at mga mananaliksik

Maaaring madalas na hinihilingan ng mga mamamahayag o mananaliksik ang mga

NGO na magbahagi ng kanilang kadalubhasaan tungkol sa mga taong sumailalim sa

trafficking. Habang maaaring naisin ng mga NGO na gumawa ng mga pampublikong

mga komento tungkol sa mga isyu ng trafficking, ang mga NGO ay hindi dapat:

gumawa ng pampublikong mga pahayag na nagbubunyag ng personal na

impormasyon ng taong sumailalim sa trafficking nang walang pahintulot ng biktima

pilitin ang taong sumailalim sa trafficking upang lumahok sa mga

pakikipanayam sa mga mamamahayag o mananaliksik.

magbigay ng impresyon sa mga taong sumailalim sa trafficking na ang mga

serbisyo ng NGO o ng Pamahalaan ay maaaring iurong o ipagkait sa kanila kung

tatanggi sila na makapanayam ng media o mga mananaliksik

magbigay ng impresyon sa mga taong sumailalim sa trafficking na ang mga

serbisyo ng NGO o ng Pamahalaan ay maaari lamang nilang ma-access kung sila ay

sumang-ayon na kapanayamin ng media, o

magsalita sa ngalan ng iba pang mga NGO nang walang pahintulot.

Kung minsan ang mga NGO ay hinihilingang magsaayos ng tulong sa mga pakikipanayam sa mga taong

sumailalim sa trafficking upang dagdagan ang pampublikong kamalayan tungkol sa trafficking. Ang taong

sumailalim sa

trafficking ay maaaring sumang-ayon sa mga pakikipanayam sa media dahil hindi nila nais na mabigo ang

NGO. Ipaliwanag na hindi mo ikabibigo kung tatanggihan ng isang tao ang kahilingan upang makipag-usap

sa isang mananaliksik o mamamahayag.

Kung ang isang taong nakaligtas sa trafficking ay gumawa ng may kaalamang desisyon na magsalita sa

publiko tungkol sa kanilang karanasan, ang desisyong iyon ay dapat na igalang. Ang taong iyon ay dapat

bigyan ng impormasyon kung paano nila mapoprotektahan ang kanilang pagkakakilanlan, kung nais nilang

gawin ito. Maaaring kabilang sa mga pamamaraan ang tulad ng paggamit ng sagisag o alyas, hindi

pagsisiwalat ng kanilang pinagmulang lugar, o lokasyong pinangyarihan ng pagsasamantala sa kanila.

Ang mga komentong ginawa sa media noong oras na iyon, o bago pa magsimula, ang isang kaso sa

hukuman, ay maaaring makasagabal sa paglalapat ng hustisya at maaaring lumabas na isang pagsuway

sa hukuman. Maaaring naisin ng mga NGO na humingi ng payong pambatas bago magbigay ng

impormasyon sa media sa mga sitwasyong ito.

Ang mga kuwento tungkol sa trafficking para sa pagsasamantala sa industriya ng sex ay maaaring

magpaunlad sa tinatawag na mga stereotype tungkol sa industriya ng sex. Mahalagang ipakita ang

pagkakaiba sa pagitan ng migranteng mga manggagawa sa industriya ng sex at mga taong sumailalim sa

trafficking at maiwasan ang pantawag-pansing lengguwahe – tulad ng 'alipin sa sex', 'kinontratang mga

babae', 'mga babae o at 'nagtitinda ng kanilang kasanayan'. Gumamit ng wikang kumikilala sa katauhan ng

22