04.07.2014 Views

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Mga patnubay para sa mga NGO (Hindi-Pampamahalaang mga Organisasyon)

Nakikipagtulungan sa mga taong sumailalim sa trafficking

sa trafficking ay maaari ring mangailangan ng access sa mga serbisyong panlipunan, pangangalaga ng

kalusugan at tirahan. Ang mga pangangailangan ng bawat taong sumailalim sa trafficking ay naiiba depende

sa kanyang indibidwal na mga sitwasyon. Kabilang sa ilan sa mga serbisyong maaaring kailanganin ay ang:

payong pambatas tungkol sa katayuang pang-imigrasyon

payong pambatas tungkol sa paghahabol ng bayad-pinsala at/o mga remedyong sibil

pabahay

pagkain at damit

medikal na pangangalaga (pangkagipitan at pangmatagalang panahon)

edukasyong pangkalusugan

pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan na naaangkop sa kultura

pagpaplano para sa kaligtasan

mga klase para sa wikang Ingles, at

tulong sa paghahanap ng trabaho at edukasyon

Ang mga serbisyong maibibigay ng NGO ay maaaring maging depende sa katayuang pang-imigrasyon ng

taong sumailalim sa trafficking. Gaya halimbawa, kung ang tao ay walang hawak na visa na nagpapahintulot

sa kaniya na magtrabaho nang legal sa Australia, ang NGO ay hindi dapat tumulong sa taong iyon na

makahanap ng trabaho.

Ang payong pambatas ay dapat lamang ibigay ng kwalipikadong mga propesyonal sa batas. Ipinag-uutos ng

Migration Act 1958 (Cth) na ang payong nauukol sa mga usaping pangmigrasyon, kabilang ang payo

tungkol sa mga pagpipilian sa visa o tulong sa mga aplikasyon sa visa, ay dapat ibigay ng isang

rehistradong ahente ng migrasyon.

Ang mga ahenteng nagbibigay ng payo ay dapat magpapirma sa taong sumailalim sa trafficking ng Form

956, Paghirang ng isang Ahente ng Migrasyon (Appointment of a Migration Agent ) o iba pang awtorisadong

tatanggap. Ang form na ito ay dapat ipadala sa: people.trafficking@immi.gov.au

Ang mga NGO na nakikipagtulungan sa mga taong maaaring sumailalim sa trafficking ay dapat:

magbigay ng serbisyong may paggalang, hindi naghuhusga at hindi nagdidiskrimina

magbigay-proteksyon sa pagiging pribado, pagiging kompidensyal at kaligtasan

magbigay sa tao ng lahat ng may-kaugnayang impormasyon tungkol sa kanilang mga karapatan sa

isang paraang maiintindihan ng taong iyon

makinig sa mga pananaw ng isang tao tungkol sa kanilang nakaraan at kasalukuyang mga kalagayan

igalang ang karapatan ng tao para sa sariling pagpapasiya, at

kumilos lamang sa ngalan ng isang tao kung mayroong may-kaalamang pahintulot ng taong iyon.

Dapat suportahan at igalang ng mga NGO ang kakayahan ng mga tao na maaaring sumailalim sa trafficking

na gumawa ng may-kaalamang mga pagpipilian. Kinapapalooban ito ng pagbibigay ng mga serbisyong

naaangkop sa kultura (Tingnan ang Magbigay ng Serbisyong Naaangkop sa Kultura sa 6).

Ano ang maaaring magawa ng Ombudsman para sa Makatarungang Trabaho (Fair

Work Ombudsman )?

Ang Ombudsman para sa Makatarungang Trabaho (na dating kilala bilang Ombudsman ng lugar

pantrabaho) ay tumanggap ng reklamo tungkol sa mga kondisyon ng trabaho ng apat na lalaking may hawak

na visa 457. Matapos dumating sa Australia, ginugol ng apat na tao ang dalawang linggong pagtira at

pagtulog sa opisinang kanilang pinapasukan. Walang paliguan at sila ay inaasahang sa lababo ng lugar ng

trabaho maglilinis ng katawan o sa lokal na palanguyan. Nang maisaayos ang pormal na tirahan, ito ay isang

pinaghahatiang paupahang bahay na pag-aari ng tagapag-empleyo, na 300 metro ang layo sa lugar ng

trabaho. Nadama ng mga lalaki na sila ay palaging dapat na handa sa tawag ('on call') para sa mga

tungkulin.

Ang mga kondisyon sa trabaho ng mga lalaki ay tunay na naiiba sa iba pang mga manggagawa. Sila ay

nagtrabaho nang mas mahabang oras at ang pera para sa mga medikal na gastos, upa, at gastos pang-

10

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!