People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...
People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...
People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...
You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
Mga patnubay para sa mga NGO (Hindi-Pampamahalaang mga Organisasyon)

Nakikipagtulungan sa mga taong sumailalim sa trafficking

Tiyakin na ang lahat ng kawani at mga boluntaryo ay may kamalayan na kapag inisyuhan ng subpena ay

dapat na lagi silang hihingi ng payong pambatas sa lalong madaling panahon. Ito ay mahalaga upang

matukoy kung may anumang dahilan para hindi sang-ayunan ang subpena.

Ang CDPP ay hindi maaaring magbigay ng payong pambatas sa NGO o kumilos para sa mga NGO sa

pagbabalik ng subpena. Gayunpaman, kung ang subpena ay may kaugnayan sa isang kriminal na paglilitis

sa hukuman, kung gayon dapat isaalang-alang ng NGO na magsabi sa CDPP na sila ay inisyuhan ng

subpoena.

Kilalanin ang lahat ng mga dokumento na sa iyong palagay ay nakapailalim sa loob ng mga tuntunin ng

subpena at ibigay ang mga ito sa iyong tagapayong pambatas. Mahalaga ding makilala kung sino ang

nagmamay-ari ng mga dokumento na inisyuhan ng subpena at sino ang maaaring tumutol sa pagpapakita

ng mga dokumento. Depende sa hinihinging dokumento, ang dokumento ay maaaring pagmamay -ari ng

NGO o sa biktima ng trafficking.

Ang kautusan tungkol sa mga pagtutol sa subpena ay kumplikado. Halimbawa, maaari mong tutulan ang

pagpapakita ng mga dokumento dahil ang mga ito ay saklaw ng pribilehiyo ng pagpapayo ng komunikasyon.

Ang pagpapatakbo ng pribilehiyo ng 'protektadong pagpapayo ng komunikasyon' ay naiiba sa ibang Estado

at mga saklaw ng Teritoryo.

Ang anumang mga talaan sa mga lugar ng NGO na pinaniniwalaan mong saklaw ng pribilehiyo ay dapat na

ligtas na nakatago at may marka ng isang babala na ang mga nilalaman nito ay maaaring saklaw ng

pribilehiyo. Halimbawa: Babala: ang mga talang ito ay maaaring saklaw ng pribilehiyo.

Dapat na palagi mong sundin ang payong pambatas tungkol sa kung paano tumugon

sa subpena. Papayuhan ka ng iyong tagapayong pambatas kung mayroong anumang mga dahilan upang

tutulan ang pagpapakita ng anuman o lahat ng mga dokumento.

Kung ikaw ay pinayuhan na ang mga dokumento ay saklaw ng pribilehiyo, kailangan

mong igiit ang paghahabol sa pribilehiyo sa hukuman nang personal o sa

pamamagitan ng sulat. Maaari mo pa ring kailanganing ipakita ang mga dokumento sa hukuman upang ang

hukuman ang maaaring magpasya kung ang pagtutol ay makatarungan.

Ang partidong nag-isyu ng subpena ay dapat magbigay ng pera upang matugunan ng NGO ang

makatwirang mga gastos ng pagsunod sa subpena.

Ano ang dapat mong gawin kung ikaw ay inisyuhan ng subpena?

Ikaw ay tumutulong sa isang babaeng ssumailalim sa trafficking na makahanap ng

trabaho at tirahan. Ilang buwan ang nakalipas nakausap mo ang babae tungkol sa

kanyang karanasan kabilang ang mga pangyayari ng personal na karahasan laban sa kanya. Ang babae ay

lubhang namomroblema at isinaayos mo ang isang tagapayo para sa seksuwal na pang-aabuso na

makipagkita sa kaniya. Ikaw ay palaging nagpapanatili ng mahusay na mga tala ng iyong pakikipag-usap sa

mga kliyente at itinatago ang mga ito nang maingat. Inimbistigahan ng AFP ang kaso at ang CDPP ay

naghahanda para sa paglilitis. Nang ikaw ay umuwi ng bahay ngayong araw na ito binigyan ka ng isang tao

ng abiso na nag-uutos sa iyo na magbigay ng mga kopya ng

lahat ng iyong mga file sa hukuman. Ano ang dapat mong gawin? Para sa payo kung

ano ang gagawin basahin ang seksyon 8.1 at 8.2.

8.3. Palaging payuhan ang biktima ng trafficking tungkol sa subpena

Kung ang NGO ay inisyuhan ng subpena, dapat ipagbigay-alam ng NGO sa biktima ng trafficking sa lalong

madaling panahon. Ito ay sa dahilang ang mga dokumentong tinutukoy sa subpena ay maaaring pag-aaari

ng biktima.

Kung ang mga tala ng pagpapayo sa kliyente ay ipinadala sa hukuman nang walang pahintulot ng kliyente

maaaring magkaroon ng legal na mga kahihinatnan para sa

indibidwal na manggagawa o sa NGO. Ang kliyente ay maaaring gumawa ng legal na

aksyon laban sa manggagawa, tagapayo o NGO kung sila ay hindi inabisuhan ng tungkol sa pag-iisyu ng

subpoena.

26