04.07.2014 Views

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

People Trafficking NGO Guidelines - Tagalog - Attorney-General's ...

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Mga patnubay para sa mga NGO (Hindi-Pampamahalaang mga Org

Nakikipagtulungan sa mga taong sumailalim sa trafficking

Biktima ng krimen

Tinutukoy sa Deklarasyon ng United Nations ukol sa Batayang mga Prinsipyo ng Hustisya para sa mga

Biktima ng Krimen at Pang-aabuso ng Kapangyarihan ang mga biktima ng krimen bilang mga taong

dumanas ng pinsala bilang indibiduwal o magkakasamang grupo, kabilang ang pisikal o pangkaisipang

pinsala, emosyonal na pagdurusa, pang-ekonomiyang kawalan o malaking pinsala sa kanilang pangunahing

mga karapatan, sa pamamagitan ng mga pagkilos o mga hindi nagawa na pawang paglabag sa mga batas

pangkrimen na umiiral sa loob ng mga Miyembrong Estado, kabilang ang mga batas na nagbabawal sa

kriminal na pag-abuso ng kapangyarihan. Sa Australia, ang ibat ibang mga Estado at Teritoryo ay may

magkakaibang mga kahulugan ng biktima ng krimen.

Ang isang tao ay dapat ituring na biktima nang kahit na kung ang gumawa ng pagkakasala ay nakilala,

nadakip, sumailalim sa pag-uusig o nahatulan at hindi tinitingnan ang relasyong pampamilya sa pagitan ng

nagkasala at ng biktima. Isinasaad din sa Deklarasyon ng UN na kabilang sa katagang biktima, kung saan

naaangkop, ang pinakamalapit na pamilya o mga direktang nakadepende sa biktima at mga taong dumanas

ng pinsala dahil sa ginawang pamamagitan upang tulungan ang nababalisang mga biktima o upang

maiwasan ang pambibiktima.

Pahayag ng Epekto sa biktima

Ang pahayag ng epekto sa biktima ay isang nakasulat na pahayag na nagbibigay ng mga detalye sa

hukuman ukol sa pinsalang dinanas ng isang biktima bilang resulta ng pagkakasala. Sa pangkalahatan ang

pahayag ng epekto sa biktima ay isang nakasulat na pahayag. Gayunpaman, sa ilang mga hurisdiksyon ang

impormasyon ay maaaring iharap sa hukuman sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga ito. Ang hugis, anyo

at nilalamang ibinigay sa pahayag ng epekto sa biktima ay nag-iiba-iba sa pagitan ng mga hurisdiksyon.

Proteksyon sa visa

Ang proteksyon sa visa ay ang mekanismong nagbibigay-daan upang ang mga di-mamamayan ay magtamo

ng legal na pahintulot upang manatili sa Australia sa pamamagitan ng pag-asa sa proteksyon o makataong

tugon ng Pamahalaan.

Nanganganib na testigo

Ang nanganganib na mga testigo ay ang mga testigo o biktima ng krimen na, dahil sa personal na mga

katangian o mga kalagayan ng krimen, ay maaaring matakot sa pagbibigay ng katibayan sa hukuman o sa

harap ng isang akusadong tao. Ang mga batang testigo at mga biktima ng sekswal na pang-aabuso ay

madalas na itinuturing na nanganganib na mga testigo. Ang nanganganib na mga testigo ay madalas na

may karapatan upang magbigay ng ebidensiya sa mga paglilitis ng krimen sa pamamagitan ng paggamit ng

alternatibong mga kaayusan, tulad ng tinatawag na closed circuit na telebisyon.

Proteksyon sa testigo

Ang proteksyon sa testigo ay proteksyon at tulong na ibinibigay ng pulis sa mga taong nagbigay o sumangayong

magbigay ng katibayan sa mga paglilitis ng krimen, gumawa ng pahayag na may kaugnayan sa

kriminal na pagkakasala o kung hindi man ay nangangailangan ng proteksyon o pinaniwalaang nasa

panganib dahilan sa kanilang katibayan (tingnan din ang Unawain ang Balangkas sa Visa ukol sa Trafficking

sa mga Tao sa 1.2).

37

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!