17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 7

Sa anu-anong paraan nakapagbibigay ng pamantayan

ng katotohanan ang mga banal na kasulatan?

Ang mga nakalipas na taon ay nagpasimula sa mga teoriyang

pang-edukasyon at pilosopiya na nag-alinlangan sa lahat ng lumang

pamantayan ng relihiyon, moralidad, at ugnayang pampamilya.

Ang mga makabagong ikonoklasta ay abala. . .upang

wasakin ang pananampalataya sa dati at pinagkakatiwalaang makapangyarihang

turo ng mga banal na kasulatan at upang [palitan

ang mga ito] ng mga hindi inspirado at doktrinang etikal na

gawa ng tao na pabagu-bago ayon sa panahon at lugar. 11

Sinasabi ko na kailangang turuan natin ang ating mga tao na

makahanap ng mga sagot sa banal na kasulatan. Kung magiging

sapat lamang ang kaalaman ng bawat isa sa atin para masabi na

hindi natin masasagot ang anumang tanong maliban kung makakakita

tayo ng doktrinal na sagot sa mga banal na kasulatan! At

kung maririnig nating nagtuturo ang isang tao na salungat sa

nasa mga banal na kasulatan, malalaman ng bawat isa sa atin

kung ang mga bagay na binabanggit ay mali—ganoon lang kasimple

iyon. Subalit ang nakakalungkot ay marami sa atin ang

hindi nagbabasa ng mga banal na kasulatan. Hindi natin alam

kung ano ang nasa loob nito, at dahil doon nagmumuni-muni

tayo sa mga bagay na dapat sana nating natagpuan sa mga banal

na kasulatan. Sa palagay ko iyan ang isa sa pinakamatinding panganib

sa ngayon.

Kapag nakikipagpulong ako sa ating mga misyonero at nagtatanong

sila tungkol sa mga bagay tungkol sa templo, sinasabi ko

sa kanila, kapag tinatapos ko ang talakayan, “Hindi ako mangangahas

sumagot sa anuman sa inyong mga katanungan maliban

kung makahahanap ako ng kasagutan mula sa mga pamantayang

aklat o sa tunay na mga pagpapahayag ng mga Pangulo ng

Simbahan.”

Ibinigay sa atin ng Panginoon sa mga pamantayang aklat ang

mga paraan kung paano natin dapat sukatin ang katotohanan at

di-katotohanan. Nawa’y pakinggan nating lahat ang kanyang salita:

“Inyong kukunin ang mga bagay na inyong natanggap, na

ibinigay sa inyo sa aking mga banal na kasulatan bilang isang ba-

76

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!