17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 12

ng pamilya sa kahariang selestiyal na magtatagal sa habampanahon.

Ang gantimpala nila ay ang magtamo ng “kaluwalhatiang

idaragdag sa kanilang mga ulo magpakailanman at walang katapusan”

(tingnan sa Abraham 3:26). 3

Ano ang magagawa ng mga mag-asawa upang mapatatag

ang kanilang kasal sa templo sa buong buhay nila?

Kung magpapasiya ang [mga kabataan] mula sa sandali ng kanilang

kasal, na simula sa oras na iyon ay lulutasin nila at gagawin

ang lahat sa abot ng kanilang makakaya na paligayahin ang

bawat isa sa mga bagay na tama, maging sa pagsasakripisyo ng

kanilang sariling kasiyahan, ng kanilang sariling hilig, ng kanilang

sariling hangarin, ang problema ng pakikibagay sa buhay

may-asawa ay malulutas mismo, at ang tahanan nila ay magiging

tunay na maligayang tahanan. Ang pundasyon ng dakilang pagibig

ay dakilang pagsasakripisyo, at ang tahanan kung saan naipakikita

sa araw-araw ang alituntunin ng pagsasakripisyo para sa

kapakanan ng bawat isa ay ang tahanan kung saan nananahan

ang dakilang pag-ibig. 4

Marami pang kagalakan sa hinaharap at, oo, marami pang pagkabalisa

kaysa inyong naranasan, kaya tandaan na ang pundasyon

ng dakilang pag-ibig ay dakilang pagsasakripisyo at ang

araw-araw na pagpupunyagi sa isa’t isa na makapagpaligaya sa

mga bagay na tama ang bubuo ng matatag na pundasyon para sa

isang maligayang tahanan. Ang pagpupunyaging iyon para sa kapakanan

ng bawat isa ay kailangang magmula sa kanilang dalawa

at hindi sa isang panig lamang o makasarili. Kailangang makadama

ang mag-asawa ng pantay na responsibilidad at obligasyon

na turuan ang isa’t isa. Ang dalawa sa mga bagay sa ngayon na

nagbabanta sa kaligtasan ng makabagong tahanan ay ang hindi

pagkakaroon ng mga asawang lalaki ng ganap na obligasyon sa

pagsuporta sa pamilya, at ang pag-iwas ng mga asawang babae sa

responsibilidad ng pamamalagi sa marubdob na gawain ng pagaalaga

ng isang pamilya at paggawa ng isang tahanan. 5

Kaakibat ng kasal ang pinakamataas na kaligayahan ngunit gayunman

kinapapalooban ito ng pinakamabigat na responsibilidad

na maaaring kasangkutan ng lalaki at babae dito sa

132

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!