17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

K A B A N A T A 1 2

Ang Banal na

Layunin ng Kasal

Ano ang magagawa natin upang mapatatag

ang mga walang hanggang kasal at maihanda ang

mga kabataan na magpakasal sa templo?

Pambungad

Itinuro ni Pangulong Harold B. Lee ang malaking kahalagahan

ng pagpapakasal sa templo at pagtutulungan ng mga mag-asawa

sa buong buhay nila upang mapatatag ang kanilang pagsasama:

“Ang kasal ay pagtatambalan. May nakapansin sa kuwento ng

Biblia tungkol sa paglikha kung saan ang babae ay hindi hinubog

mula sa bahagi ng ulo ng lalaki, na nagpapahiwatig na maaari siyang

mamuno sa lalaki, ni hindi mula sa bahagi ng paa ng lalaki

upang siya’y kanyang tapak-tapakan. Kinuha ang babae mula sa tagiliran

ng lalaki tila upang bigyang-diin ang katotohanan na dapat

palagi siya sa kanyang tabi bilang kabiyak at kasama. Sa altar ng kasal

sumumpa kayo sa isa’t isa na simula sa araw na iyon ay pagtutulungan

ninyong lutasin ang mga problema sa buhay, gaya ng

pagtutulungan ng mga hayop na may pamatok. Ang Apostol Pablo

ay nagpayo tungkol sa pag-aasawa: ‘Huwag kayong makipamatok

ng kabilan.’ (II Corinto 6:14.) Bagaman ang kanyang payo ay mas

may kinalaman sa mga bagay na nauukol sa pagkakapantay ng relihiyon

at mga espirituwal na hangarin, gayunman ang iminumungkahing

larawan ng kanyang pangungusap ay di dapat

ipagwalang-bahala. Tulad ng pamatok ng mga baka na may hatakhatak

sa daan, kung mag-alangan ang isa, maging tamad at batugan

o magmaramot at magmatigas, ang hatak-hatak ay masisira. Sa

gayunding dahilan kung kaya nasisira ang kasal ng mag-asawa kapag

ang isa o kaya’y silang dalawa na bahagi ng kasal na iyon ay nabigong

gampanan ang kanilang mga tungkulin sa isa’t isa. . . .

129

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!