17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 11

kasalanan ang lubos na mabibiyayaan ng mapagtubos na dugo

ng kanyang pagbabayad-sala. ... Ang pagbibinyag sa pamamagitan

ng paglulubog para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan,

ang tanging paraan kung saan matatanggap ng tao ang ebanghelyo.

Ito ay makalupang ordenansa, kung kaya sa Plano ng

Kaligtasan, ang ating Ama, na pantay-pantay ang pagtingin sa lahat

ng Kanyang mga anak, ay naglaan ng paraan upang ang lahat

ng miyembro ng kanyang Simbahan at Kaharian sa mundo ay

maging “mga tagapagligtas sa Bundok ng Sion. Ito ay sa pamamagitan

ng paggawa ng gawain para sa kapakanan ng mga nasa

daigdig ng mga espiritu, “ang bilangguan,” na hindi nila magagawa

para sa kanilang sarili.

Ang gawaing ito para sa mga patay na isinasagawa ng mga miyembro

ng Simbahan sa mga banal na templo ang tunay na paraan

kung saan ang mga gumagawa ng gawaing ito ay nagiging

“mga tagapagligtas” ng mga namatay nang walang kaalaman sa

ebanghelyo. Sa pamamagitan nito’y mapapasakanila ang kumpletong

kaloob ng Tagapagligtas na ipinangako sa buong sangkatauhan

sa pamamagitan ng kanyang pagbabayad-sala. Ang

pagtukoy sa paglilingkod na maaaring ibigay sa mga nasa daigdig

ng espiritu, na walang-alinlangang isinagawa ng mga banal noong

kapanahunan ni Apostol Pablo at magagawa na rin natin

para sa ating mga namatay, ay ibinigay niya bilang paliwanag sa

katunayan ng pagkabuhay na mag-uli. Sabi niya: “Anong gagawin

ng mga binabautismuhan dahil sa mga patay? Kung ang mga patay

ay tunay na hindi muling binubuhay, bakit nga sila’y binabautismuhan

dahil sa kanila?” (I Corinto 15:29.) Ang mga templo

sa panahong ito’y itinayo dahil dito maaaring isagawa muli ang

napakahalagang gawain ng pagliligtas. 7

Sinabi [ng Panginoon] na ang mga pintuan ng impiyerno ay di

mananaig laban sa simbahan ni Cristo (Mateo 16:18). Ngayon,

ang mga pintuan ng impiyerno ay mananaig sana laban sa gawain

ng Panginoon kung hindi naibigay ang mga ordenansa na

may kinalaman sa kaligtasan ng mga nangamatay. Noong mga panahong

iyon na wala sa lupa ang pagkasaserdoteng magsasagawa

ng mga ordenansa ng ebanghelyo ay milyun-milyon ang nabuhay,

marami sa kanila ay matatapat na kaluluwa. Kundi nagkaroon

ng paraan ng pagsasagawa ng nakapagliligtas na ordenansa

122

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!