17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 19

ay kakila-kilabot ang pagbagsak nito. [Tingnan sa Mateo

7:24–27.]

“Kung kaya sumasamo ako sa inyo. . .na mamuhay nang maayos

sa araw-araw upang makatanggap kayo mula sa bukal ng liwanag

[ng] sapat na pangangalaga at lakas sa araw-araw na

pangangailangan. Mag-ukol ng panahon upang maging banal sa

bawat araw ng inyong buhay.” 1

Mga Turo ni Harold B. Lee

Paano natin mapangangalagaan ang espiritu?

Sa loob ng bawat isa sa inyo ay may nananahan na espiritu na

kamukhang-kamukha ng kabuuan ng inyong katawang pisikal.

Upang mapanatili ang lakas at lusog ng inyong katawang pisikal,

kailangan itong bigyan ng pagkain at inumin tuwi-tuwina. Ang

bawat pangunahing selula ng inyong katawan ay kailangang konektado

sa ugat upang mapanatili ang mahahalagang proseso ng

buhay. Ang di pagpapanatili ng mga koneksiyong ito sa ugat o di

pagtustos ng kailangang pagkain ay nagdudulot ng panghihina,

pagtigil sa pag-unlad, karamdaman at sa huli’y kamatayan ng katawang

pisikal.

Ang inyong katawang espirituwal ay nangangailangan ng pagkain

sa tuwi-tuwina upang matiyak na malusog at malakas ito.

Hindi matutugunan ng pagkain ng mundo ang pangangailangang

ito. Ang pagkaing makatutugon sa inyong mga espirituwal

na pangangailangan ay dapat magmula sa mga espirituwal na

mapagkukunan. Ang mga alituntunin ng walang hanggang katotohanan,

na nakapaloob sa ebanghelyo, at ang angkop na ehersisyo

sa pamamagitan ng pakikisali sa mga espirituwal na gawain

ay kailangan upang mabigyang-kasiyahan ang espiritu. Ang mahahalagang

proseso ng espiritu ay pinananatili din sa pamamagitan

lamang ng matalinong koneksiyon sa mga espirituwal na

bukal ng katotohanan. Ang espirituwal na karamdaman at kamatayan,

na nangangahulugan ng pagkawalay sa espirituwal na liwanag,

ang tiyak na kasunod ng pagkawala ng inyong

koneksiyon sa espirituwal na sentrong ugat, ang Simbahan ni

Jesucristo. 2

206

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!