17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 18

“Ako, ang Panginoon, ay pinalawak ang kalangitan, at ginawa

ang lupa, gawa ng aking kamay; at lahat ng bagay rito ay akin. At

layunin ko ito na maglaan para sa aking mga banal.”

. . .Narinig ba ninyo ang sinabi ng Panginoon?

“Layunin ko ito na maglaan para sa aking mga banal, sapagkat

lahat ng bagay ay akin. Subalit ito ay talagang kinakailangang magawa

sa aking sariling pamamaraan.”. . .

“At masdan ito ang aking pamamaraan na ako, ang Panginoon,

ay nag-utos na maglaan para sa aking mga banal.”

Ngayon, tingnan ninyo ang kahalagahan ng isang pangungusap

na ito:

“Upang ang mga maralita ay dakilain, sa gayon yaong mayayaman

ay ibababa.”

Iyan ngayon ang plano. . . . Nagpatuloy ang Panginoon sa

pagsasabing:

“Sapagkat ang lupa ay sagana, at may sapat at matitira; oo,

aking inihanda ang lahat ng bagay, at ibinigay sa mga anak ng tao

na maging mga kinatawan ng kanilang sarili. Samakatwid, kung

sinuman ang kukuha sa kasaganaan na aking ginawa, at hindi

nagkakaloob ng kanyang bahagi, alinsunod sa batas ng aking

ebanghelyo, sa mga maralita at nangangailangan, siya, kasama ng

masasama, ay magtataas ng kanyang mga mata sa impiyerno dahil

sa paghihirap.” [D at T 104:14–18.]

. . .Ngayon, ano ang ibig niyang sabihin sa pariralang ito? Ang

Kanyang pamamaraan ay, “upang ang mga maralita ay dakilain,

sa gayon yaong mayayaman ay ibababa.”. . .

Ang “dakilain” sa wika ng diksyunaryo, at ang pakahulugan

na natitiyak kong nais iparating ng Panginoon ay: “Itaas nang

may pagmamalaki at kagalakan sa tagumpay.” Ganyan natin dapat

itaas ang mga maralita, “nang may pagmamalaki at kagalakan

sa tagumpay,” at paano natin gagawin ito? Sa pagpapababa

sa mayayaman.

Ngayon, huwag ninyong ipagkamali ang salitang “mayaman.”

Hindi iyan palaging nangangahulugan ng isang taong may maraming

salapi. Maaaring walang salapi ang taong iyon, ngunit mayaman

naman siya sa kakayahan. Maaaring mayaman siya sa

196

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!