17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

245

KABANATA 22

Bihira, kung mayroon man, ang tunay na dakilang kaluluwa

na hindi sinubukan sa pamamagitan ng mga luha, at paghihirap—na

sa wari’y pinungusan mismo ng kamay ng punong hardinero.

Sa paggamit ng kutsilyo at karit ang sanga ay

matatabasan at mahuhubog ayon sa disenyo ng makapangyarihang

Diyos, upang mamunga ito nang husto.

Kailangang pagtiisan ng bawat isa sa inyo ang mga pagsubok,

at kahirapan, at sakit at panghihina ng kalooban. Kung matatandaan

ninyo, kapag may lungkot at dusa, kayo ay maaaliw kung

matututuhan ninyo ang aral na ito: “Sapagkat pinarurusahan ng

Panginoon ang kaniyang iniibig, at hinahampas ang bawa’t tinatanggap

na anak” (Mga Hebreo 12:6.)—at muli: “Anak ko, huwag

mong hamakin ang parusa ng Panginoon; ni mayamot man sa kaniyang

saway: Sapagka’t sinasaway ng Panginon ang kaniyang

iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran” (Mga

Kawikaan 3:11–12). 9

Nag-aalala si Propetang Joseph [Smith]. . .dahil sa mga kilos

ng karahasan laban sa mga Banal at natatandaan ba ninyo na sa

gitna ng kanyang mga problema ay napabulalas siya na, “O

Diyos, gaano ba katagal bago makita ng inyong mga mata at marinig

ng inyong tainga ang kaawa-awang daing ng mga Banal at

ipaghiganti ang kanilang mga kaapihan sa ulo ng kanilang mga

kaaway?” [Tingnan sa D at T 121:1–6.] At para bagang kinalong

ng Guro ang nahintakutang bata at nagsabing:

“Aking anak, kapayapaan ay mapasaiyong kaluluwa; ang

iyong kasawian at ang iyong mga pagdurusa ay maikling sandali

na lamang;

“At muli, kung ito ay iyong pagtitiisang mabuti, ang Diyos ay

dadakilain ka sa itaas; ikaw ay magtatagumpay sa lahat ng iyong

mga kaaway.” (D at T 121:7, 8)

Pagkatapos ay nakagugulat ang kanyang sinabi:

“. . .alamin mo, aking anak, na ang lahat ng bagay na ito ay

magbibigay sa iyo ng karanasan, at para sa iyong ikabubuti.”

(D at T 122:7)

. . .Tapos ay sinabi ng Guro:

“Ang Anak ng Tao ay nagpakababa-baba sa kanilang lahat. Ikaw

ba’y nakahihigit sa kanya?

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!