17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

127

KABANATA 11

At tila pagkatapos maituro ng Pangulo ang araling iyon, na nakintal

na mabuti sa aking isipan, sinabi niyang, “Mga kapatid, lumuhod

tayo sa panalangin.” At nagising ako matapos siyang

manalangin, na may makalangit na damdamin na para sa aki’y

noon ko lamang nadama, nag-iisip kung makapagpapatuloy ako

hanggang sa maabot ko ang mataas na pamantayan ng pagkalugod

sa paglilingkod at pagmamahal sa mga anak ng Panginoon

na naikintal [sa aking isipan] ng panaginip na iyon. 16

Salamat sa Diyos sa paghahayag sa pamamagitan ng kapangyarihan

ng Espiritu Santo, na nagpapatotoo sa aking kaluluwa na

alam ko nang buong kaluluwa ko na buhay [ang Panginoon], na

Siya ang Tagapagligtas ng daigdig. Alam kong [ang templo] ay banal

na lugar kung saan Niya maihihiga ang Kanyang ulo dahil sa

kabanalang naroon. Nawa kayo na nagpupunta dito ay magpunta

nang may banal na puso, na may mga mata at isipan at

puso na nakatuon sa Diyos upang madama ninyo ang Kanyang

presensiya. 17

Mga Mungkahi sa Pag-aaral at Talakayan

• Sa anong mga paraan naging “gabay at proteksiyon” sa inyo

ang templo?

• Paano ninyo ihahambing ang makalupang kayamanan sa walang

hanggang kayamanan na nakakamtan sa templo?

• Bakit mahalaga na makisali tayo nang madalas hangga’t kaya

natin sa pagsamba sa templo?

• Anong mga pagpapala ang dumating sa inyo bilang bunga ng

paggawa ng gawain sa templo at ng kasaysayan ng mag-anak?

• Bakit kailangan tayong magpunta sa bahay ng Panginoon na

may malilinis na kamay at dalisay na puso? Maliban sa pagiging

karapat-dapat, anu-ano pa ang ibang mga paraan na makapaghahanda

tayo sa pagdalo sa templo?

• Bakit ang pagkatutong mahalin at paglingkuran ang iba ay

mahalagang paghahanda sa pakikibahagi sa mga pagpapala

ng templo?

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!