17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

249

KABANATA 22

sa lahat ng takot kapag, tulad ng Guro, nagapi ninyo ang mga bagay

ng mundo. 16

Saan ba matatagpuan ang kaligtasan sa daigdig sa ngayon? Ang

kaligtasan ay hindi nakakamtan sa pamamagitan ng mga tangke

at baril at mga eroplano at bomba atomika. Isa lamang ang ligtas

na lugar at iyan ay sa sakop ng kapangyarihan ng

Makapangyarihang Diyos na ibinibigay niya sa mga sumusunod

sa kanyang mga kautusan at nakikinig sa kanyang tinig, habang

nagsasalita siya sa pamamagitan ng mga daluyan na inordena

niya para sa layuning iyon. ...

Sumainyo nawa ang kapayapaan, hindi ang kapayapaang nagmumula

sa paggawa ng batas sa loob ng kongreso, kundi ang kapayapaang

nagmumula sa paraang sinabi ng Guro, sa paggapi sa

lahat ng bagay ng daigdig. Nawa ay matulungan tayo ng Diyos na

maunawaan ang gayon at nawa’y malaman ninyo na alam ko

nang may katiyakan at walang pag-aalinlangan na ang gawaing

ito ang kanyang gawain, na ginagabayan at pinapatnubayan niya

tayo ngayon, tulad ng ginawa niya sa bawat dispensasyon ng

ebanghelyo. 17

Ngayon, tulad ng naipropesiya, ang buong daigdig ay tila nagkakagulo

at ang puso ng mga tao ay nagsisipanlupaypay. Tunay

na kailangan nating asahang mamuhay nang may kapayapaan ng

kalooban na nagmumula sa pagsasagawa ng ebanghelyo ni

Jesucristo sa daigdig ng kaguluhan at kalamidad. Ang pagkabigo

sa puso ng tao ay maaaring dumating kahit paano nang dahil sa

kawalan ng pag-asa at ang malaking bahagi nito’y mangyayari kapag

ang pag-ibig ng tao ay manlalamig. Kailangang gamitin ngayon

ang kapangyarihan ng pagkasaserdote na nasa atin at

kailangan din nating ibigin ang ating mga kaaway at panatilihing

matino ang ating pag-iisip tulad ng ipinayo ni Apostol Pablo kay

Timoteo. [Tingnan sa II Timoteo 1:7.] Kung hindi, di tayo maituturing

na mabisa. Kaunting katiyakan lamang ang ating matatanggap.

Sa gayon ay hindi na kakailanganin pang ibuyo tayo ng

kalaban na labagin ang mga kautusan o kaya’y tumalikod sa katotohanan.

Sinayang lang pala natin ang ating lakas. 18

Isang negosyanteng taga Atlanta, Georgia, na nakilala

ko. . .ang nagsikap na aliwin ako dahil sa matinding kawalan sa

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!