17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

89

KABANATA 8

Si Joseph Smith, ang binatilyong di nakapag-aral ng mga teolohiya

ng ating panahon, di nakapag-aral sa matataas na paaralan

noong kanyang kapanahunan. . .[ay] maaaring magpakumbaba sa

mga aral at bulong ng Espiritu. Kung hindi ay di niya naitayo ang

simbahang ito. Hindi niya sana naihatid ang gawain ng

Panginoon, ang Aklat ni Mormon. Maaari nilang hamakin ang

Propetang Joseph Smith bilang isang tao. Maaari nilang batikusin

kung paano nagsimula ang simbahang ito, ngunit narito ang tumatayong

bantayog—ang Aklat ni Mormon mismo. Hindi sana ito

magagawa ng taong si Joseph, ngunit dahil naganyak ng kapangyarihan

ng Makapangyarihang Diyos, nakaya at nagawa ni Joseph

ang mahimalang paglilingkod na maipakita mula sa pagkakatago

at mula sa kadiliman ang ipinanumbalik na ebanghelyo ni

Jesucristo. 16

Ibinalita [ni Moroni] sa Propeta. . .na panahon na upang mabisang

ipangaral sa lahat ng bansa ang kabuuan ng ebanghelyo.

Ito’y bilang katuparan ng ipinangako ni Juan na lilipad ang anghel

sa gitna ng langit, “na may [kaganapan ng] mabuting balita

na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa”

(Apocalipsis 14:6). Ang pagpapanumbalik ng kabuuan ng

ebanghelyo ay naisakatuparan nang ang Aklat ni Mormon, na

ipinahayag na talaan na naglalaman ng kaganapan ng ebanghelyo,

ay naipanumbalik sa daigdig sa pamamagitan ng

Propetang Joseph Smith. 17

Noong ika-21 ng Setyembre, 1823 [nagpakita si Moroni kay

Joseph Smith at ipinahayag ang bahaging ito,] “na ang gawain ng

paghahanda para sa ikalawang pagparito ng Mesiyas ay mabilis

na magsisimula; na sumapit na ang oras para ipangaral nang may

kapangyarihan ang kabuuan ng Ebanghelyo, sa lahat ng

bansa. . .upang maihanda ang isang grupo ng mga tao para sa

paghahari sa Milenyo,” na ang ibig sabihin ay ang pagdating ng

Panginoon (History of the Church, 4:537). Sa madaling salita,

ang pangunahing layunin ng pagpapanumbalik ng ebanghelyo

ay ihanda ang isang grupo ng mga tao na makatatayo sa harapan

ng Panginoon kapag Siya ay dumating; kung hindi,. . .di natin

matatagalan ang Kanyang presensiya. 18

Ngayon ang gawain ng kaharian ng Diyos sa lupa ay isang bantayog

sa pangalan ng Propetang Joseph Smith. Milyun-milyon na

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!